Enchong Dee nakipag-usap nang ‘lasing’ kay Maricel Soriano: ‘Basang-basa ang kilikili ko! Shocks, ano ba ‘tong pinagsasabi ko?’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Maricel Soriano at Enchong Dee
BILIB na bilib ang premyadong aktres turned content creator na si Maricel Soriano kay Enchong Dee dahil napakahusay daw nitong aktor at negosyante.
Nasusubaybayan pala ng aktres ang ilang series ni Enchong kaya lagi niyang sinasabi na gusto niyang makatrabaho ang aktor at gayun din pala ang binata.
Sa panayam kay Enchong sa vlog ni Marya na in-upload kahapon, Sabado, na ginanap sa Academy of Rock sa may Scout Borromeo, Quezon City na isa lang ito sa mga itinayong negosyo ng aktor kasosyo ang ilang executives ng Star Music at ang aktor na si Joshua Garcia.
Inilibot muna ni Enchong si Marya sa loob ng AOR kung saan ipinakita nito ang bawa’t classroom at ang recording studio na natiyempong nagre-recording ang singer-actress na si Maymay Entrata na labis na natuwa dahil nakita niya ang iniidolong aktres.
Nang masolo na ni Maria si Enchong ay binanggit nito na gusto niyang makatrabaho ang aktor.
“Lagi ko pong sinasabi na gusto kong makatrabaho si Enchong, totoo ‘yan! Kaya kapag nabanggit ang pangalan mi Enchong sabi ko, ‘o, yan gusto ko ‘yan makatrabaho.
“‘Yang batang ‘yan napanood ko ‘yung eksena ninyo ni Christopher de Leon (Sa ‘Yo Lamang, 2010 at Muling Buksan ang Puso, 2013), nakipagsabayan ka talaga ro’n, ang galing mo!” balik-tanaw ng aktres.
Dagdag pa, “Yung bigay mo (Enchong) totoo. Ngayon lang ako nakakita ng bagets ‘yung take niya ro’n sa role niya nabilib talaga ako.”
Natawa naman kami sa sagot ng aktor dahil na-wow mali siya ni Marya.
“Funny story nagkita kami sa birthday celebration ni Sir Deo (Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment), medyo nakainom na kasi ako.
“Sabi ko ‘alam mo ‘Nay natutuwa ako kapag napapanood kita sa (FPJ’s) Ang Probinsyano, sabi niya (Marya), ‘Anak, wala ako sa Probinsyano!’ Ha-hahahaha! (natawa rin ang aktres).
“Ay hindi ‘Nay san ba, sa Dirty Linen? ‘Anak, wala ako sa Dirty Linen! Sino ba ‘yang pinapanood mo?’” tumatawang kuwento ng aktor na ikinatawa rin nang husto ni Maricel.
Dagdag pa ng binata, “Basang-basa ang kili-kili ko. Shocks, ano ba itong pinagsasabi ko?”
Pagtatanggol naman ni Marya, “Naiintindihan ko kasi lasing siya. Ha-hahahaha! Kaya okay lang.”
Samantala, ang “Here Comes the Groom” daw ang pinakapaboritong project ni Enchong, sagot niya sa tanong ni Maricel.
“Gustung-gusto ko ‘yung Here Comes the Groom kasi parang nakapag-cater ako sa audience ng panibagong pelikula na unexpected to play a transwoman. Gusto ko pagtanda ko pag tiningnan mo ‘yung body of works, ‘ah eto comedy ‘yung ginawa, ito nag-action ako, ito nag-drama ako.’
“Alam mo ‘yung ang sarap kapag ni-look back mo na naghain ka ng buffet sa audience hindi ‘yung isang putahe lang ang inihain (sabi ng aktres, ‘life is a buffet’),” paglalarawan ni Enchong.
Ang nasabing pelikula na produced ng Quantum Films at Cineko Productions ang pinaka-challenging kay Enchong.
“First time kong gumawa ng project na dinepende ko doon sa kaeksena ko lahat ng eksena ko. I kept telling people na sobrang generous nu’ng co-actors ko especially si KaladKaren kasi she was very generous in sharing na napaka-importante ang daling umarte kapag may nahuhugot ka sa kaeksena mo, di ba?” say ng sktor.
Hirit ni Maricel, “Kasi may mga umaarte na para sa sarili lang nila, alam mo ba yun?”
“Ang hirap na wala kang makuha sa kanya (kaeksena) na minsan nagmumukha tayong OA (overacting) tuloy kasi wala ka nang makuha, eh,” katwiran ni Enchong.
At gusto rin niya ang “Topakk” dahil, “Ito ang nakapag-experience sa akin sa Cannes Festival and siguro by this time vlog com out nabili na sa Locarno Film Festival hindi ko inakalang mararating ko ‘yung mga ganu’n bagay.”