Andrea Torres first time magkokontrabida sa serye ng GMA: ‘Tinanggap ko agad dahil idol ko talaga si Bea Alonzo!’
By: Alex Brosas
- 1 year ago
Bea Alonzo at Andrea Torres
SA kauna-unahang pagkakataon ay gaganap na kontrabida sa isang teleserye ang Kapuso sexy drama actress na si Andrea Torres.
Pumayag daw agad-agad ang dalaga na magkontrabida sa bagong project ng GMA dahil ang super idol niyang si Bea Alonzo ang kanyang makakasama.
Ayon sa seksing aktres, itinuturing niyang dream come true ang makatrabaho si Bea kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya nang mapasama siya sa star-studded cast ng seryeng “Love Before Sunrise.”
Nang mag-guest si Andrea kamakailan sa afternoon program ng GMA 7 na “Fast Talk with Boy Abunda”, napag-usapan nga nila ang tungkol sa kanyang comeback acting project.
Huling napanood ang Kapuso star bilang si Sisa sa historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan pinuri siya nang bonggang-bongga dahil sa akting na kanyang ipinakita.
Chika ni Andrea kay Tito Boy, ngayon lang siya gaganap na kontrabida at hindi raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil nga kay Bea Alonzo.
“Ang saya Tito Boy, kasi ngayon lang po ako magko-kontrabida. I took it because Bea Alonzo is my idol talaga,” sabi ni Andrea.
Napakarami rin daw niyang natututunan kay Bea simula nang magkasama sila sa shooting ng “Love Before Sunrise,” “Ako po, ino-observe ko si Bea. ‘Yung script talagang inaaral niya.
“May mga bagay doon na hindi mo na mapapansin, little things kinu-question niya, and sabi ko, ‘Dapat ganyan din ako mag-isip.’
“Pareho sila ni John Lloyd, Tito Boy, kasi naka-work ko rin po si John Lloyd. May nakikita siya script na, ‘Ay oo nga no, it make sense,’” chika pa ng dalaga.
Feeling thankful and grateful din si Andrea na mapabilang sa nasabing serye at makatrabaho uli si Dennis (una silang nagtambal sa Legal Wives), “Sabi ko, ‘Wow,’ para maisip nila na isama ako ang laking trust ‘yung binigay sa akin.
“Tsaka magaan Tito Boy (katrabaho ang cast). Sobrang gaan po nila katrabaho. Tawanan lang kami sa set,” aniya pa.