Gladys Reyes naghu-hula hoop habang kumakanta, sumasayaw at sumasagot ng e-mail: ‘Multi-tasking talaga! Ha-hahahaha!’
KINARIR na nang bonggang-bongga ng isa rin sa matatawag na La Primera Contravida ng local showbiz na si Gladys Reyes ang paghu-hula hoop.
Saksi kami kung gaano kagaling ang Kapuso actress sa paghu-hula hoop with a twist — keribels niyang kumanta at sumayaw habang nag-e-exhibition pa.
Sa post-birthday celebration niya noong July 5, na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog Ave, Quezon City, nagpakitang-gilas ang award-winning actress sa harap ng mga kaibigan niya sa entertainment media.
View this post on Instagram
Nakasama pa niya sa paghu-hula hoop ang walo pang Hulahoopers na pawang mga nanay na rin at ang kanyang Mama Zeny at kapatid na si Janice. Pasabog ang kanilang production number.
Nakakaloka nga, dahil sabi ni Gladys kahit daw naghu-hula hoop siya ay pwede siyang magtrabaho, “Minsan actually nagsasagot ako ng e-mail na naghu-hula hoop habang hawak ko yung phone ko, ganyan.
“Nagpo-post ako sa social media. Nag-i-Instagram ako minsan habang naghu-hula hoop. Multi-tasking talaga! Ha-hahahaha!
“Pero kidding aside, kasi siyempre gusto kong i-encourage yung iba na puwedeng mag-enjoy habang nag-e-exercise. Minsan kasi, di ba, parusa yung intense workout? Di ba? Kung hindi nila kaya yun, gusto kong malaman nila na merong katulad ko na hindi rin kaya yun.
“Pero puwede pa rin tayong magpapawis. Puwede pa rin tayong mag-exercise through hula hoop,” pahayag ni Gladys.
“Mama ko ang naging inspiration ko diyan. Hindi ako marunong niyan. Hindi ako naglalaro niyan nu’ng bata ako. Pero mahilig akong kumanta sa videoke habang yung nanay ko, naghu-hula hoop.
View this post on Instagram
“Then sabi ko sa kanya, ‘Ma, pasubok nga niyan kung mahirap bang kumanta habang naghu-hula hoop.’ Noong una, gumagaralgal ang boses ko, kasi tumatama yung hula hoop sa tiyan ko.
“Hanggang sa parang naaano mo, yung nakokontrol mo yung breathing. May ganu’n! Pati lungs, lahat, nae-exercise. Hanggang sa, yun na, magandang exercise. Ten songs ako per day!” ang tawa nang tawang chika pa ng magaling na aktres.
In fairness, dahil dito ay ginetsing na siyang celebrity endorser ng Wow Fiesta, “Obvious ba? Kayo lang naman ang nakakatiis sa kabaliwan ko na nagko-concert ako, di ba?”
Samantala, feeling blessed and thankful din si Gladys dahil sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang primetime series na “Black Rider” kung saan muli siyang gaganap na kontrabida.
Pagbibidahan ito nina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli, with Zoren Legaspi, Gary Estrada, Almira Muhlach, Rio Locsin, Savious Ramos, Katrina Halili, Empoy Marquez, Raymart Santiago, Luis Hontiveros, Prince Clemente, Rainier Castillo, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Salome Salve, Jon Lucas, Janus del Prado, Aleck Bovick, Jayson Gainza at Joaquin Manansala.
Gladys napamura habang sinasagot ang mga tanong ni Aiko
Manilyn kinakarir ang pagwo-workout, naadik sa boxing at hula hoop
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.