Kathryn Bernardo kinilala sa Seoul International Drama Awards, wagi ng ‘Outstanding Asian Star’
ANG bongga naman ng latest achievement ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo!
Kinilala at napansin kasi ang kanyang talento sa pag-arte ng isang award-giving body na naka-base sa South Korea.
Nakuha niya ang “Outstanding Asian Star” award sa Seoul International Drama Awards ngayong taon.
Ang pagkapanalo ni Kathryn ay proud pa ngang ibinandera sa Instagram ng Kapamilya network.
Ayon pa sa caption, ang awarding ceremony ay magaganap sa September 21 sa Seoul, South Korea.
Baka Bet Mo: 149 katao patay sa ‘Itaewon Holloween’ stampede sa South Korea; ano nga kaya ang tunay na nangyari?
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, anim na artista mula sa iba’t-ibang bansa ang binigyan ng naturang award.
Bukod sa Pilipinas, ang ilan pa sa mga tatanggap ng parangal ay ang Korea, China, Japan, Taiwan, at Thailand.
Kung maaalala noong nakaraang taon lamang ay napanalunan din ng aktres na si Belle Mariano ang kaparehong award.
Pero bago sila ay nauna nang nagwagi ng “Outstanding Asian Star” ang mga award-winning Kapuso stars na sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.
Sa kasalukuyan, abala sa pelikulang “A Very Good Girl” si Kathryn na kung saan ay kasama niyang bumida ang award-winning international actress na si Dolly de Leon.
Bukod diyan ay may dalawang pelikula pang naka-lineup para sa aktres sa taong ito.
Ito ang “Elena 1944” mula sa direksyon ni Olivia Lamasan at ang isa pang proyekto na wala pang titulo na kung saan ay makakatambal niya ang kanyang long-time boyfriend na si Daniel Padilla.
Related Chika:
The Weeknd kinikilalang ‘world’s most popular artist’
Belle Mariano itinanghal na Outstanding Asian Star 2022 sa 17th Seoul International Drama Awards
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.