44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ ipagdiriwang sa ‘E.A.T.’, TVJ may mga hinandang bonggang sorpresa, papremyo

Ngayong araw, Hulyo 29, Biyernes ang anibersaryo ng programang Eat Bulaga na ngayo’y 44 years na at umeere sa GMA 7 produced ng TAPE, Inc na pinamamahalaan ng magkapatid na Jon at Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos. Ipagdiriwang ito nina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon kasama ang Dabarkads sa TV5 na ang titulo ay EAT. Hindi pa magamit ng TVJ ang titulong Eat Bulaga dahil ayon sa Jalosjos brothers ay pag-aari ito ng TAPE, Inc dahil sila ang producer bagay na inalmahan nina Tito, Vic and Joey. Si Joey ang nakaisip ng titulong Eat Bulaga at kaya ipinaglalaban niya ito dahil kanya ito at si Vic naman ang sumulat ng lyrics ng themesong ng Eat Bulaga. Kaya nag file ng kasong Copyright Infringement and Unfair Competition under R.A. No. 8293, otherwise known as the Intellectual Property Code of the Philippines, with Application for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction ang TVJ sa Marikina Regional Trial Court noong Hunyo 30 at nagkaroon ng unang hearing nitong Huwebes, Hulyo 27. Ayon sa petition ng TVJ ay kini-claim nila na sila ang nagmamay-ari ng copyright ng titulong EAT BULAGA and its underlying derivative works (music, segments, and audio visual clips) that likewise deserve protection.” Ipinaglalaban din naman ito ng Jalosjos brothers sa paniniwalang sila ang tunay na may-ari ng Eat Bulaga bilang trademark na in-apply nila noon pang 2011 at wala namang nag-opposed mula sa TVJ kaya’t dapat daw manatili ang titulo sa TAPE, Inc. Anyway, wala kaming ideya kung paano ise-selebra ng TAPE, Inca ng programang Eat Bulaga dahil nga ayon kay Tito Sen kapag gumamit ng lumang footages ang mga Jalosjos sa Eat Bulaga ng walang paalam ay another isyu ito. Base naman sa nalaman namin sa taga TV5 ay mamimigay ng Kabuhayan showcase ang TVJ sa lucky viewers ng EAT na napapanood mula 11:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon at ang titulo bukas ay National Dabarkads Day. Ito ang pinaka-highlight ng 44th anniversary ng Tito Vic and Joey bilang original hosts ng Eat Bulaga. “Narinig ko ang mechanics na mamimigay daw ng P44,000 sa lucky viewer bilang Kabuhayan Showcase ang TVJ bukas (ngayong araw),” sabi ng aming source. Hirit namin na, isa lang ang mananalo ng 44,000? Parang ang liit ng premyo. “Baka 44 (katao) kaysa sa isang tao lang dapat 44 din para mas masaya,” kaswal na sabi sa amin. Naniniwala rin kaming baka nga 44 tao ang mabibiyayaan ng halagang forty four thousand pesos bilang panimula sa itatayong negosyo. Dagdag pa ng aming source, “actually ang ganda ng plano ng EAT. Abangan mo bukas (ngayong araw). Pinaghandaan talaga nila.” Malaki na nga raw ang kinikita ng programang EAT. Sabi ng aming kausap, “madami namang commercials and we are happy of course. And the bottomline, natutuwa ang viewers.” Oo naman talagang sinundan ng loyal supporters nina Tito, Vic and Joey kasama ang Dabarkads sa paglipat nila sa TV5. Happy 44th anniversary sa orihinal na hosts ng Eat Bulaga.

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon

Ngayong araw, Hulyo 29, ang anibersaryo ng programang Eat Bulaga na ngayo’y 44 years na at umeere sa GMA 7 produced ng TAPE, Inc. na pinamamahalaan ng magkapatid na Jon at Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.

Ipagdiriwang ito nina dating Senate President Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon kasama ang Dabarkads sa TV5 na ang titulo ay E.A.T.

Hindi pa magamit ng TVJ ang titulong Eat Bulaga dahil ayon sa Jalosjos brothers ay pag-aari ito ng TAPE, Inc. dahil sila ang producer bagay na inalmahan nina Tito, Vic and Joey.

Si Joey ang nakaisip ng titulong Eat Bulaga at kaya ipinaglalaban niya ito dahil kanya ito at si Vic naman ang sumulat ng lyrics ng theme song ng Eat Bulaga.

Kaya nag-file ng kasong Copyright Infringement and Unfair Competition under R.A. No. 8293, otherwise known as the Intellectual Property Code of the Philippines, with Application for Issuance of a Writ of Preliminary Injunction ang TVJ sa Marikina Regional Trial Court noong Hunyo 30 at nagkaroon ng unang hearing nitong Huwebes, Hulyo 27.

Baka Bet Mo: Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Ayon sa petition ng TVJ ay kini-claim nila na sila ang nagmamay-ari ng copyright ng titulong EAT BULAGA and its “underlying derivative works (music, segments, and audio visual clips) that likewise deserve protection.”

Ipinaglalaban din naman ito ng Jalosjos brothers sa paniniwalang sila ang tunay na may-ari ng Eat Bulaga bilang trademark na in-apply nila noon pang 2011 at wala namang nag-opposed mula sa TVJ kaya’t dapat daw manatili ang titulo sa TAPE, Inc.

Anyway, wala kaming ideya kung paano ise-celebrate ng TAPE, Inc. ang programang Eat Bulaga dahil nga ayon kay Tito Sen kapag gumamit ng lumang footages ang mga Jalosjos sa Eat Bulaga ng walang paalam ay another isyu ito.

Base naman sa nalaman namin sa taga-TV5 ay mamimigay ng Kabuhayan showcase ang TVJ sa lucky viewers ng E.A.T na napapanood mula 11:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon at ang titulo bukas ay “National Dabarkads Day.”

Ito ang pinaka-highlight ng 44th anniversary ng Tito Vic and Joey bilang original hosts ng Eat Bulaga.

“Narinig ko ang mechanics na mamimigay daw ng P44,000 sa lucky viewer bilang Kabuhayan Showcase ang TVJ bukas (ngayong araw),” sabi ng aming source.

Hirit namin na, isa lang ang mananalo ng 44,000? Parang ang liit ng premyo.

“Baka 44 (katao) kaysa sa isang tao lang dapat 44 din para mas masaya,” kaswal na sabi sa amin.

Naniniwala rin kaming baka nga 44 tao ang mabibiyayaan ng halagang forty four thousand pesos bilang panimula sa itatayong negosyo.

Dagdag pa ng aming source, “actually ang ganda ng plano ng E.A.T.  Abangan mo bukas (ngayong araw). Pinaghandaan talaga nila.”

Malaki na nga raw ang kinikita ng programang E.A.T.

Sabi ng aming kausap, “madami namang commercials and we are happy of course. And the bottomline, natutuwa ang viewers.”

Oo naman talagang sinundan ng loyal supporters nina Tito, Vic and Joey kasama ang Dabarkads sa paglipat nila sa TV5.

Happy 44th anniversary sa orihinal na hosts ng Eat Bulaga.

Related Chika:

True ba, si Willie Revillame raw ang lumapit sa pamilya Jalosjos para ialok sa TAPE ang ‘Wowowin’?

Read more...