Kilalang politiko nag-a-unwind kasama ang ‘special friend’, ano kaya ang reaksyon ng kanilang mga asawa?

Kilalang politiko nag-a-unwind kasama ang 'special friend', ano kaya ang reaksyon ng kanilang mga asawa?
HOW true kasalukuyang nasa Cebu ngayon ang kilalang politiko na may kunek sa showbiz kasama ang kanyang special friend para mag unwind?

Mula sa aming source ay, “biglang lumipad ‘yung dalawa ang drama, eh, stressed sa work kaya nagpapahinga.”

Natanong namin kung may mga sabit ba ang dalawang bida sa blind item namin.

“Yes, super yes pero hindi sila maingat kasi maraming nakakakita, hindi palang nilalabas ang pictures kasi malaking tao si politiko plus aware sa image niya, di ba? Plus ‘yung girl, e, parang wala namang iniingatang image kasi wala siyang care, eh.” paglalarawan ng aming source.

Inalam din namin kung alam ba ito ng mga karelasyon o asawa nila.

“’Yung kay (politiko) alam kaya nga super stress, at nag-iiisip na ng next move humingi na ng payo sa lawyer, so abangan ang next move.

Baka Bet Mo: Male celeb ibinuking ang milyun-milyong utang daw ng tumatakbong politiko

“Si girl, ewan kung anong reaksyon ng asawa, baka kasi iba naman ang kuwento niya, baka sinasabi work related kaya laging kasama si (politiko). Alam mo naman ang mga ganyan magaling magbigay ng rason,”say ng aming source.

Matagal na ba sina politiko at special friend niya?

“Last year pa ata pero ngayon na lang pumutok talaga kasi sobrang obvious na,” kaswal na sabi sa amin.

May kunek din sa government ang special friend ng kilalang politiko na may kunek sa showbiz kaya napagkikita sila ng lahat kaya kumalat din ito sa mga katrabaho nila.

Anyway, ang binabantayan ngayon ng aming source ay ang wifey ng kilalang politiko na may kunek sa showbiz kung anong move na gagawin nito.

Related Chika:
Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Read more...