HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay wanted daw ng Bureau of Immigration ang nagpakilalang talent manager/producer na may agency na itinayo rito sa Pilipinas kasosyo ang kilalang personalidad.
Nalaman din na sa Securities and Exchange Commission o SEC na ang nagpakilalang talent manager/producer ay pangalan niya ang naka-rehistrong malaki ang shares at ‘yung kasosyo niyang kilalang personalidad ay ilang percent lang.
Kuwento ng aming source, “’yung kasosyo hindi kasi niya alam na ganu’n ang naka-rehistro alam niya parehong shares sila kasi mas malaki ‘yung share niya as in lifetime savings na niya. Nabuking lang nu’ng hinihingi na ‘yung kita ng agency. Walang maibigay si (nagpakilalang talent manager at producer).
“Si (kilalang personalidad) kahit pera niya ‘yun, ang nagma-manage kasi kaanak niya kaya nalaman nga na walang pondo si (talent manager/producer) kaya nagkaroon ng pagtatalo.
“Hanggang sa inireport na nga sa BI (Bureau of Immigration) kasi US Citizen naman si (talent manager/producer).
“May mga ginagawa na ‘yung contacts ng kaanak ni (kilalang personalidad) para mahabol si (talent manager/producer) nangako namang ibabalik ang pera.
* * *
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino nag-resign na bilang talent manager ni Herlene Budol…anyare?
Muling magbibigay kilig sa telebisyon ang Asia’s Original Heartthrob na si Jerry Yan kasama ang Asian Superstar na si Xu Ruo Han sa “The Forbidden Flower,” na mapapanood na sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5, simula ngayong Lunes (Hulyo 31), 10:15 PM.
Nakasentro ang C-drama sa hindi inaasahang pagtatagpo nina Xiao Han (Jerry Yan) at He Ran (Xu Ruo Han), dalawang karakter na magkaiba ang personalidad ngunit parehong may inaasam sa buhay.
Isang mahusay na horticulturist na pinagtibay at pinalakas ng panahon, ipapakita ni Xiao Han ang kahalagahan ng self-healing at pagkatuto na lumaban muli sa buhay.
Samantala, ang pagiging positibo sa pang-araw araw at paghahanap ng kabutihan sa lahat ng bagay ang magiging sentro ng karakter ni He Ran, na patuloy na lumalaban sa kabila ng karamdaman.
Magsisimula na ang “The Forbidden Flower” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5 simula Lunes (Hulyo 31).
Maaari na rin itong ma-stream sa iWantTFC, the Home of Filipino Stories, tuwing Miyerkules, alas-8 ng gabi.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
Related Chika:
Jerry Yan, Vaness Wu ng ‘Meteor Garden’ muling nagsama sa isang variety show