Pops may bagong kanta para sa 40th anniversary sa showbiz; celebs, iba pang Pinoy may katuwang na para matupad ang 'American Dream' | Bandera

Pops may bagong kanta para sa 40th anniversary sa showbiz; celebs, iba pang Pinoy may katuwang na para matupad ang ‘American Dream’

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 03:17 PM

Pops may bagong kanta para sa 40th anniversary sa showbiz; celebs, iba pang Pinoy may katuwang na para matupad ang 'American Dream'

Atty. Marlene Gonzalez at Pops Fernandez

MAGLALABAS si Pops Fernandez ng bagong awitin na pinamagatang “Always Loved” ngayong Biyernes, July 28, bilang bahagi ng kanyang ika-40 anibersaryo sa industriya.

Inanunsyo ito ng original Concert Queen noong Linggo, July 23, sa “ASAP Natin ‘To” matapos ang special tribute ng programa para sa kanya.

Inawit ng Kapamilya singers na sina Jona, Klarisse de Guzman, at Morissette ang ilan sa mga sumikat na awitin ni Pops habang may kani-kaniyang duet naman sina Ogie Alcasid, Erik Santos, at Regine Velasquez kasama siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


Naging emosyonal si Pops habang nagpapasalamat sa “ASAP” kung saan naging bahagi rin siya bilang isa sa mga naunang host nito.

“ASAP will always be my family. I will always feel that I am part of ASAP. It is very meaningful that I get to celebrate my anniversary here and of course my new song. It means a lot to me,” sabi ng TV host-singer.

Sinulat ni Pops ang “Always Loved” katulong sina Jeremy G, SAB, Trisha Denise, at ABS-CBN Music director Jonathan Manalo, na siya ring nagprodyus ng kanta sa ilalim ng Star Music. Handog ng awitin ang mensahe ng pagmamahal at ligaya na hindi kailangan ang anumang validation.

Mapapakinggan na ang “Always Loved” single ni Pops simula sa Biyernes sa iba’t ibang music streaming platforms.

Baka Bet Mo: Regine, Ogie nagpa-dinner sa ilang Kapamilya stars, Pops super enjoy: Masakit pa tiyan ko sa katatawa!

* * *

Good news naman para sa lahat ng mga celebrities at iba pa nating mga kababayan na hanggang ngayon ay hindi bumibitiw sa kanilang ‘American Dream.”

Marami kaming kaibigan na until now ay umaasa pa rin na magkaroon sila ng magandang buhay sa pamamagitan ng pagma-migrate at pagtatrabaho sa US.

Kaya nga nabanggit namin sa kanila si Atty. Marlene Gonzalez, isang Fil-Am na nakabase ngayin sa Amerika bilang immigration lawyer na handang tumulong sa mga Pinoy para tuparin ang matagal na nilang inaasam na American dream.
May opisina si Atty. Marlene sa Salt Lake City, Utah at sa Phoenix, Arizona, ang US Journey Immigration Services. Kasama niya rito ang kanyang paralegal at legal assistants na pawang mga immigrant mula Mexico, Nicaragua, Pilipinas at Venezuela.

Nakakausap nila ang kanilang mga kliyente gamit ang mga wikang Portuguese, Spanish ,at Tagalog bukod sa English. Ayon kay Atty Marlene, lagi silang handang magbigay ng propesyonal at de-kalidad na serbisyong legal.

Nariyan ang mga Green Card na nakabatay sa pamilya, sa kasal, sa trabaho (EB-3 para sa mga nurse at iba pang manggagawa — sanay at hindi sanay), sa aturalisasyon, visa saamumuhunan (E-2, EB-5), Affirmative Asylum, U Visa para sa mga biktima ng marahas na krimen, VAWA Self-Petitions para sa mga asawa, mga Anak at mga magulang ng mapang-abusong mamamayan ng US o mga natas na permanenteng residente, mga Visa ng mag-aaral, pagbabago o extension ng katayuan at marami pang iba.

Tinulungan ni Attorney Marlene Gonzalez ang daan-daang imigrante na matupad ang kanilang pangarap sa Amerika sa nakalipas na 26 na taon bilang Immigration lawyer.

Narito ang ilan sa mga testimonial mula sa kanilang mga natulungan.

“I was going through a difficult finding the right person to represent me, ang mga naunang abogado ay kinuha lang ang pera ko at wala akong ginawa pero pinatunayan ni Marlene sa akin na may mga mahuhusay na abogado pa rin tulad niya. Nagawa kong magtiwala sa kanya sa proseso at hindi niya ako binigo,” ayon kay Katalina Duarte Cabrera mula Salt Lake City.

“Humingi ako ng tulong kay Atty. Marlene sa aking pagbabago ng status para sa aking F1 Visa at siya ay napaka-accommodating at mahusay. Irerekomenda ko talaga siya bilang isang immigration lawyer.

“She updates me all the time and I went through all the needed forms and documents hassle-free dahil sa kanya. Madali mo siyang mai-message at tutugon kaagad sa anumang mga tanong o alalahanin na mayroon ka,” sabi naman ni Jian Macy ng Salt Lake City.

JBK hugot na hugot sa bago nilang kantang ‘Porket’, pangarap ding makilala sa Asya at Latin America

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mark umaming ‘love’ pa rin si Claudine, bet uling manligaw: Hindi pa naman huli ang lahat…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending