Sue Ramirez iginiit na ‘close’ pa rin sila ni Maris Racal: Porke ‘di nagkikita ‘di na magkaibigan?

Sue Ramirez iginiit na ‘close’ pa rin sila ni Maris Racal: Porke ‘di nagkikita ‘di na magkaibigan?

Sue Ramirez, Maris Racal

NAGSALITA na ang aktres na si Sue Ramirez patungkol sa kumakalat na tsismis na magkaaway sila ng kapwa-aktres na si Maris Racal.

Imbes na magdiwang ng masaya sa araw ng kanyang birthday, hindi pinalampas ni Sue ang ilang mga nag-comment sa kanyang post na kung saan ay inungkat ang “fallout rumors” sa kaibigan na si Maris.

Ayon sa Kapamilya actress, close pa rin sila ni Maris at kaya hindi na sila nakakapag-bonding lately ay dahil abala sila ngayon sa kanya-kanyang karera.

“Hoy wag kang panira ng bday,” sey ni Sue sa isang netizen.

Patuloy pa niya, “Ok kami imbento kayo. ‘Di pwede busy kami sa buhay at blessed kami sa work? Porke ‘di nagkikita di na magkaibigan? Ano ba yan?”

Baka Bet Mo: Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

“Kakarindi kayo hahaha. Ok na? Malinaw na ba guys?” dagdag pa niya.

Ani pa ng aktres, “O kayo pa din ang mas may alam at masusunod? Hahaha wag kayong BV. WALANG ISSUE, kayo lang gumagawa. Tama na ‘tong kalokohan na ‘to hahaha.”

Kasunod niyan ay may isa pang netizen na napagbintangan pa ang kanyang boyfriend na si Victorias City Mayor Javi Benitez na naging dahilan umano kaya nagkaaway sila ni Maris.

Sagot ni Sue, “Kahit magkatext kami ngayon? Haha walang gap na naganap. Hindi kayo pwede magsabi niyan dahil nago-observe lang kayo.”

“Ako na nga nagsasabi ayaw niyo padin paniwalaan parang mas marunong pa kayo. Do not insinuate na naaayon lang sa gusto at mere observation niyo lang,” patuloy niya.

Bukod diyan ay pinabulaanan din ng aktres ang usap-usapang hindi niya inimbita si Maris sa kanyang birthday party at ipinaliwanag na kagagaling lang ng huli sa bakasyon sa Europe.

“She just came back from Europe and hindi dahil hindi siya pumunta, galit na ako o masama ang loob ko,” paliwanag ni Sue.

Lahad pa niya sa comment section, “Hindi ako mababaw at hindi mababaw ang mga nabubuo kong pagkakaibigan para masira ng ganun lang. Mahaba pa ang buhay.”

“Madami pang bday at pagkakataon. Now, stop this nonsense,” panawagan pa niya.

Magugunita noong July 20 ay sinorpresa ni Sue ang kanyang fans matapos ibandera ang kanyang topless photos sa pagdiriwang ng kanyang 27th birthday.

Related Chika:

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Read more...