IBINANDERA ng celebrity mom na si Karla Estrada ang bagong milestone sa kanyang buhay.
Proud niyang ibinalita na natupad na ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo!
Sa pamamagitan ng Instagram, masayang ibinahagi ni Karla ang kanyang graduation pictures.
Sinabi rin niya na natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Office Administration sa ilalim ng Expanded Tertiary Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).
“To GOD be the Glory [folded hands emoji],” wika niya sa IG post.
Caption pa niya, “Develop a passion in Learning, you will never cease to grow.”
Kasunod niyan ay lubos siyang nagpasalamat sa kanyang latest achievement at binati rin ang mga nakasabay niyang grumaduate sa Philippine Christian University.
Sey ng aktres, “Thank you ETEEAP (Expanded Tertiary Equivalency and Accreditation Program) sa napakagandang pagkakataon na ito na maisakatuparan ang pangarap ng katulad ko at ng nakararami na makapagtapos ng kolehiyo!”
Aniya pa, “Congratulations sa lahat ng aking mga nakasabayan sa pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Office Administration.”
Bukod sa fans, nagpaabot din ng “congratulatory’ messages ang ilang bigating celebrities at personalities.
Kabilang na riyan sina Vina Morales, Jhong Hilario, Small Laude, Jackie Forster, Amy Castillo, Aiko Melendez, at marami pang iba.
Kung maaalala, noong nakaraang taon ay ibinahagi ng ina ni Daniel Padilla ang kanyang muling pagbabalik-eskwela.
Sa kabila ng kanyang edad na 48 ay hindi ito naging hadlang para sa celebrity mom upang balikan ang naudlot niyang pag-aaral noong bata pa.
Bukod kay Karla, ilan pa sa mga artistang nakatapos ng kanilang kolehiyo sa pamamagitan ng ETEEAP ay sina Ruffa Gutierrez at Neri Miranda.
Related Chika:
Anne Curtis ‘mission accomplished’ sa Tokyo Marathon: Every single kilometer was worth it!