KARUGTONG ito ng naisulat namin kahapon tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawang sina Pambansang Kolokoy o Joel Mondina at Grace “Marites” Mondina.
Rebelasyon ni Joel sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, may kinalaman ang isyu ni Grace sa kanyang mga magulang na hindi na niya kinaya kaya nagdesisyon na siyang tapusin na ang kanilang pagsasama.
Aminado ang content creator na nalungkot siya nang maghiwalay sila ng dating asawa dahil hindi naman bato ang puso niya at nagmahalan naman sila sa loob ng 25 years.
“Marami rin naman kaming pinagsamahan (dahil) 25 years din kaming nagsama tapos mas naging okay ‘yung bonding namin mula nu’ng mag-umpisa kaming mag-vlogging tapos nangyari kung ganitong sitwasyon, kaya nalulungkot din,” sabi ni Pambansang Kolokoy.
Lahat nang ipinakikita nilang maayos silang mag-asawa sa harap ng camera o ng vlog nila ay totoo.
“Tao lang tayo, Ogie hindi mo naman puwedeng ipakita sa harap ng camera na ganito pala ang nangyayari sa tunay na buhay kasi ang pagkakakilala sa akin bilang Pambansang Kolokoy ay masayahing tao, nagbibigay ng aliw sa mga tao, tapos ipapakita mo ‘yung mga ganu’n negatives na nangyayari, so parang hindi naman tama,” kuwento ni PK.
“Nahusgahan ka noon bilang two-timer na meron kang kabit, ang sasakit, di ba? So, nababasa mo naman at aware ka sa mga comment ng tao sa ‘yo? Na ang bait-bait ng misis mo, humanap ka pa ng iba?” sabi ni Ogie kay Joel.
Sagot naman nito, “Ayun na nga ang masakit, di ba? Ang nakikita nila magandang alaala, magagandang moments but hindi nila nakikita ‘yung sa likod talaga ng kamera.”
Bakit hindi sina Joel at Grace ang forever? “Kasi bago ‘yung hiwalayan may mga issues na kaming dalawa na hindi namin ma-explain. ‘Yung unti-unting naglalaho na ‘yung pagmamahalan sa isa’t isa.
Baka Bet Mo: Marites Mondino inaming nais ng kanilang anak na magkabalikan sila ni Pambansang Kolokoy pero…
“I think kailangan nang itigil ‘to kasi hindi na healthy ang relationship. Manghihinayang siguro ako kung mayroon akong dapat panghinayangan. Nanghihinayang lang siguro ako kasi hindi ko kasama araw-araw ang mga anak ko,” pahayag ni PK.
Super close kasi si Joel sa mga anak nila ni Grace lalo’t hands on tatay siya dahil siya ang nag-alaga at nagpalaki sa tatlong anak na lalaki dahil ang ex-wife ay nag-aaral noon.
“Mahirap kasi mula nang ipanganak ang mga bata ako na ‘yung naging hands on sa kanila dahil nga ‘yung ex-wife ko si Ms. Grace o Marites the whole time (ay) nag-aaral siya which is ako naman talaga ‘yung nag-encourage sa kanya na ‘wag mo nang intindihin ang mga bata.
“Ang asikasuhin mo na lang matupad ‘yung pangarap mom aging isang ganito o ganyan, todo suporta ako sa kanya (sa pangarap),” paglalarawan ni Joel sa naging takbo ng buhay nila ng ex-wife sa loob ng maraming taon.
Paglilinaw pa niya, “Hindi porket ako ang nag-aalaga sa mga bata ay wala akong trabaho, mayroon akong trabaho mas flexible lang ang oras ko. Bago pa ako maging PK noon which is ang ikinaganda ng aking trabaho ay flexible.
“So kung may kailangan ang mga bata sa school puwede akong lumabas sa trabaho ko anytime, puwede ko silang ihatid at sunduin sa school. ‘Yan ang routine ko for so many years,” aniya.
Napagod nga ba si Joel sa ganu’ng sitwasyon nila ni Grace kaya siya naghanap ng ibang babae? “Hindi, never naman ako napagod saka never naman ako nag-complain. Napalaki ko ng maayos ang mga anak ko kasi anak ko ‘yun, obigasyon kong ibigay ‘yung mga kailangan nila.”
Dagdag pa niya kaya nauwi sa hiwalayan at pagpa-file ng divorce ang relasyon nila, “Dumating kasi ‘yung point na pinalayas na ako sa bahay kasi magre-retire na ‘yung nanay ko sa Pilipinas (pauwi na).
“Kaya naglakas-loob na akong sabihin sa kanya (Grace) na pupunta ako sa nanay ko gagawa kami ng vlog kasi magre-retire na siya. Hindi niya nagustuhan ‘yun! Sabi niya (Grace), ‘o sige pagbalik mo rito ang mga gamit mo nasa garahe na.”
At tinotoo raw ng ex-wife ang sinabi dahil pagbalik niya ay nasa garahe na ang mga gamit niya at ilang beses na pala itong nangyari.
“Paulit-ulit na lang na sa tuwing mayroon kaming hindi pinagkakaintindihan lagi na lang sinasabing ‘layas, hiwalay.’ Kaya naisip ko I need to stand with my own two feet na.
“Kasi all these years talagang tiniis ko talaga. Kahit gusto kong umalis hindi ko magawa dahil sa mga bata kaya tiniis ko ‘yun pero that time talaga na nakita ko na ‘yung mga gamit ko sa garahe kalat-kalat sabi ko, ‘okay, totoo na ito kailangan ko ng umalis,” pagdedetalye ni PK.
Pinigilan naman daw siya ni Grace na umalis pero itinuloy na niyang umalis dahil nga nasa garahe na lahat ng gamit niya at paulit-ulit naman daw na nangyayari sa tuwing mag-aaway sila.
At dito inamin ni Joel na bago siya naging si Pambansang Kolokoy ay walang-wala siya kaya tiniis niyang mag-stay sa bahay ni Grace dahil wala siyang pupuntahan.
“Siya may pera dahil mayroon siyang doctorate (mataas ang tinapos), ako walang-wala kaya kung lalayas ako saan ako pupunta? Kaya nilunok ko lahat kapag pinalayas ako susuyuin ko na lang siya ulit para hindi kami mag-away para wala na uling layasan.
“Pero ‘yung huli umalis na ako kaya ko naman na sigurong mag-isa, masakit din kasi iniwan ko ang mga anak ko, eh. Yun ang pinagsisihan ko hindi ko na makakasama ang mga anak ko araw-araw hindi ko na kasama sa iisang bubong,” pag-amin ni PK sa naging sitwasyon niya noon.
Kahit na naiwan ang mga anak sa poder ng dating asawa ay walang oras na hindi niya tinawagan ang mga ito at nakikita naman dahil magkalapit pa rin ‘yung bahay na tinirhan niya pag-alis niya sa bahay ni Grace.
At dito inamin ni Joel na nandito siya ngayon sa Pilipinas at nagbilin sa mga anak na kapag may kailangan sila ay magsabi kaagad at ibibigay niya ang mga ito at never daw siyang nagkulang sa mga anak niya at hindi siya sanay na hindi niya kasama ang tatlong boys sa buhay niya.
“Kasi Ogie ako ang nagpalaki ro’n sa mga bata habang nag-aaral (si Grace). Ako talaga ‘yunbg tumayong nanay, tatay. I mean hindi ko inaalis na naging ina si Marites, siya ‘yung nagpo-provide kasi siya nga ‘yung pinakamalaking kita,” pagtatapat pa ni PK.
“Tiniis kong hindi magsalita (kahit nahusagahan na) kasi ayaw ko ng drama saka alam naman natin na kahit baliktarin moa ng istorya, mas papanigan pa rin ang babae. At sa pagsasalita ko ngayon, hindi ko naman sila ini-encourage na maniwala sa akin,” katwiran ni PK.
At ang isa pang kuwento ni Joel ay sinabihan siya ni Grace na kapag hindi siya bumalik ay hindi na niya makikita ang mga anak nila kaya’t nagkaroon siya ng anxiety at dito ito nakita ng present wife niya noon.
Kaya pinababalik siya sa first family niya para lang umokey na ulit si Joel, “Sabi niya sa akin (present wife), bumalik na lang sa bahay n’yo. Ayusin n’yon a lang mga kailangan ninyong ayusin para sa mga bata, willing siyang magparaya kaya bumalik ako sa bahay.
“Kaya ‘yung sinabi ni Grace kay Luis (Manzano) sa interview niya na nandoon ako sa bahay nu’ng tumawag ang present wife ko, narinig ko naman lahat.
“Sabi niya (present wife), I’m sorry we love the same man, pero hindi ko kayang makita siyang ganyan (depress dahil sa mga anak) kaya pinapabalik ko na siya diyan sa bahay ninyo. Sana ayusin ninyo ang hindi ninyo napagkasunduan,” kuwento ni PK.
Tama naman ‘yung sinabi ni Grace kay Luis na sinubukan ulit nilang magsama pero hindi na naging okay kaya’t tinuluyan na nilang maghiwalay ulit.
Ang dahilan ayon kay Joel, “Pagbalik ko, sinubukan kong i-work out talaga tapos one time naiwan niyang bukas ‘yung phone niya meron kasi siyang kaibigan na lagi niyang kinakausap and nabasa ko ‘yung conversation nila.
“Ang nakalagay do’n ang sabi ni Grace, ‘look at this asshole, he came back. I told you he can’t stand by himself he still needs me, so, doon ko talaga napatunayang wala na talaga.”
At ang idinahilan daw ng dating asawa sa mga nabasa ay, “Oh that’s just girl’s talk.”
“Akala ko ang mababasa ko ay masaya siya dahil bumalik ako, hindi pala jaya umalis na ulit ako at ‘yun na ‘yun,” diin ni PK.
Related Chika:
Bwelta ni Gladys sa mga tumawag sa kanyang kabit ni Pambansang Kolokoy: ‘Mukha ba akong nanganak?’
Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong ‘life’