MAY nakakagulat na balita patungkol sa health condition ng kapatid ni Ivana Alawi na si Mona.
Ito ay ibinunyag sa latest YouTube vlog ni Ivana na kung saan ay napagkwentuhan nga ng kanyang pamilya ang nangyari recently sa kanilang bunso.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, mayroong Type 1 diabetes si Mona at siya ay na-diagnose nito noon pang 2011, ang taon na nagsisimula palang siya sa kanyang karera sa showbiz industry.
At ngayon, ilang taon na mula nang magka-diabetes si Mona ay tila lumala raw ang kondisyon niya.
Isa sa mga naitanong kay Mona ay kung kamusta ang kanyang kalusugan.
Sa umpisa ay tila ayaw pang sagutin ito ng young star, ngunit bigla itong binuking ng kanyang ina na si Mama Alawi.
“Medyo hindi po maganda,” sey ng kanyang ina.
Biglang sagot ni Mona, “Mama bakit mo sinagot?”
Baka Bet Mo: Ivana handang ubusin ang pera para gumaling ang kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’
Sumingit naman si Ivana at sinabing, “Si Mona kasi ‘yung taong meron nang nararamdaman, hindi pa nagsasabi.”
Depensa naman ni Mona, “Nagsabi ako.”
Paliwanag naman bigla ni Ivana, “Pero ayaw mong pumunta ng hospital hanggang the last minute.”
Katwiran naman sa kanya ni Mona, “Ayokong pumunta ng ospital kasi gusto nila every six hours ang blood test. Kasi akala ko naman magiging okay din siya, pero there was something else pala.”
Kwento naman ng kapatid nilang lalaki na si Hash, natagpuan niya si Mona na nakahandusay sa sahig at hindi makatayo kaya sinugod na nila ito sa ospital.
“Pagpasok ko, nakita ko nasa floor lang siya hindi siya makatayo,” saad ng kanilang kuya.
Paliwanag ni Mona kung bakit nakahiga na siya sa sahig, “Hindi kasi ako makahinga.”
Dagdag pa niya, “Actually, until now madalas ako ma-out of breath and something happened sa breathing ko. ‘Yun ‘yung hindi ko na kinaya. Twice akong hinimatay.”
“Hindi normal sakin na himatayin. So from there, I was thinking na I’m going to the hospital and then ‘nung nag-collapse ako and hindi ko na kinaya, I called kuya,” chika niya.
Sabi pa nila, dahil sa naging kondisyon ni Mona ay na-confine ito sa Intensive Care Unit o ICU noong araw na ‘yun.
“Sabi ng doctor, everytime na magkaka-DKA (Diabetic Ketoacidosis), parang palala nang palala. E nakakailan na ‘to,” lahad ni Ivana.
Pagbubunyag pa ni Mona, sinabihan na siya ng doktor na pwede siyang magkaroon ng komplikasyon sa utak kapag hindi siya nag-ingat.
Tugon ni Ivana, “Kasi now ‘yung complications tinamaan daw ‘yung heart niya tsaka ‘yung lungs.”
Ayon sa US government agency na Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang Diabetic Ketoacidosis ay isang seryosong komplikasyon ng diabetes na life-threatening.
Karaniwan daw na nakakaranas nito ay ‘yung mga taong may Type 1 Diabetes.
Nade-develop ang DKA kapag walang sapat na insulin na pwede sanang magamit ng blood sugar bilang enerhiya ng katawan.
Related Chika: