MUKHANG nag-iba ang ihip ng hangin dahil kung noon ay kampi ang social media personality na si Rendon Labador sa basketbolistang si Ricci Rivero ay binabatikos na niya ito ngayon.
Matapos kasi ang mga naging rebelasyon ng Kapmilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa nagtapos nilang relasyon ay mas marami ang nakisimpatya sa dalaga dahil na rin sa mga naging big revelations nito.
Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay ipinahayag ni Rendon ang kanyang opinyon hinggil kay Ricci.
“Kinampihan pa naman kita bro sa #CareerMunaBagoLandi,” panimula niya.
Pagpapatuloy ni Rendon, “Akala ko matindi ka talaga. ‘Yun pala puro ka porma. Dugyot ka na, palamunin ka pa!”
Bukod pa rito, sinabi rin ng motivational speaker na isa raw kahihiyan sa kanilang mga lalaki si Ricci.
Humirit rin si Rendon kay Andrea kung bakit sa dami ng naibigay nito kay Ricci ay hindi man lang nito naisip na magregalo o magbigay ng washing machine.
Matatandaang isa sa mga naging spluk ni Andrea sa kanyang pakikipagtsikahan sa Unkabogable Star na si Vice Ganda ay ang paraan ng pagmu-move on nito at sinabing bakit raw niya iiyakan ang isang lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon.
“Sa dami ng binigay ni Andrea kay Ricci, nakalimutan niya pang magbigay ng washing machine?” sey ni Rendon.
Samantala, wala namang inilalabas na pahayag o paliwanag ang binata ukol sa mga naging statement ni Andrea sa naturang vlog ni Meme Vice.
Matatandaang marami sa mga tagasuporta nina Andrea at Ricci ang nagulat matapos mabalitaang naghiwalay na ang dalawa makalipas ang isang taong relasyon.