Ivana gustung-gustong makatrabaho sina Coco, Joshua, Kathryn at Daniel: ‘Kasi they’re very mahusay!’

Ivana gustung-gustong makatrabaho sina Coco, Joshua, Kathryn at Daniel: 'Kasi they’re very mahusay!'

Ivana Alawi

ANG bongga-bongga ng muling pagpirma ng kontrata ng award-winning actress at content creator na si Ivana Alawi sa ABS-CBN kaninang umaga.

Talagang pinaghandaan ito ng Kapamilya Network dahil talagang present kung present sa naganap na contract signing ng isa sa pinakasikat na vlogger sa Pilipinas ang mga bossing ng ABS-CBN.

Naroon sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Lauren Dyogi at Star Magic handler Alan Real. Sinamahan din si Ivana sa pirmahan ng bagong kontrata ng kanyang talent manager na si Perry Lansingan.

Sey ng dalaga, feeling blessed and grateful siya dahil sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng ABS-CBN management.

“I am here where I’m supposed to be. I have three things that I’m very very thankful for. Of course, unang-una sa mga bosses po natin dito sa ABS-CBN, maraming maraming salamat sa tiwala, sa suporta at sa pagmamahal niyo sa akin. Of course to my manager, kuya Perry, Star Magic, Sir Lauren, maraming salamat.


“And gusto ko rin po magpasalamat sa lahat ng nagtiwala sa akin since day one. And of course to my family and kay Lord na never akong pinabayaan, maraming maraming salamat po,” ang bahagi ng mensahe ng sexy actress matapos ang contract signing.

Ito naman ang message ni Cory Vidanes sa Kapamilya star, “Maraming, maraming salamat, Ivana, sa patuloy mong pagbigay ng tiwala at pagpapahalaga sa ABS-CBN, sa aming lahat, at sa ating mga Kapamilya.

“I assure you that we will continue to take care of you and we will build an even stronger relationship as I promised you.

Baka Bet Mo: P200M nga ba na kontrata ang dahilan kaya naging Kapuso si Bea?

“Maraming salamat sa sinseridad, sa pagmamahal, at sa pagpili mong manatili kasama namin sa pagbibigay saya, inspirasyon, pag-asa, at serbisyo sa lahat ng Pilipino sa buong mundo,” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2020 nang unang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang dalaga. Una siyang nakilala ng manonood sa hit Kapamilya series na “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” (2019).


Last year, bumida siya sa kanyang launching series na “A Family Affair” kung saan nakasama niya sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake, at Jake Ejercito.

Bumida rin siya sa Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Partners In Crime” kasama si Vice Ganda.

Pagbabahagi ni Ivana tungkol sa mga susunod niyang projects, “We’re doing teleseryes this year and meron ding mga movies. So ‘yun, maraming exciting na projects na parating.

“I really want to try action! Yeah, so nagdyi-gym na ‘ko. I want to do action and horror,” aniya pa.

Kung mabibigyan ng chance gusto niya raw makasama sa next projects niya sina, “Si Sir Coco Martin, I would really love to work with KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), and si Joshua Garcia.”

“Kasi they’re very mahusay. Napakahusay nilang aktor, and I would like to experience working with very talented actors,” sey pa ng aktres.

Julie Anne, Rayver lumebel sa mga Korean stars, sinorpresa ng fans sa shooting na may pasabog na coffee truck

Pakilig ni Ruru kay Bianca: ‘Para sa akin ikaw ang pinakamagaling na nakatrabaho ko, maraming salamat sa ‘yo my love for being maalaga’

Read more...