Janno ipinagtanggol si Lea sa ‘dressing room’ viral video: ‘Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans’

Janno ipinagtanggol si Lea sa 'dressing room' viral video: 'Sana lang nasabi niya nang mas maayos, yung hindi mapapahiya ang fans'

Janno Gibbs at Lea Salonga

NAIINTINDIHAN ng comedian at TV host na si Janno Gibbs at naging reaksyon ni Lea Salonga sa mga fans na nagpunta sa kanyang dressing room para magpa-picture.

Napanood din ni Janno ang viral video ng Broadway star kung saan makikitang pinagsasabihan nito ang ilang fans na nanood ng musical play niya na “Here Love Lies” na nais magpa-selfie sa kanya.

Ani Lea, hindi tama na basta na lamang pumapasok ang mga outsider at wala sa guest list sa loob ng dressing room ng mga artists “for security reasons.”

Pero sa kabila nito, pumayag pa rin ang international singer na magpa-picture pero sa labas na ng dressing room na malapit sa exit.


Trending at viral ang video na ipinost ng taong nagbi-video kay Lea kalakip ang napakahaba niyang litanya tungkol sa nasabing insidente na hanggang ngayon ay hot topic pa rin sa social media.

Nagpaliwanag na rin si Lea hinggil sa nangyari at pinanindigan ang naging pahayag sa pagpoprotekta sa kanyang “territory at boundaries.” Marami namang celebrities ang naka-relate at kumampi sa kanya.

Isa na nga riyan si Janno na ni-repost pa sa kanyang Instagram story ang quote card na naglalaman ng tweet ni Lea about the controversial issue.

Baka Bet Mo: Neri Miranda super faney ni Lea Salonga pero hindi ginamit si Chito para makapagpa-picture

“Nasa tama naman si Ms. Lea. Bawal talaga sa dressing room/backstage ang wala sa listahan,” ang caption ng komedyante sa kanyang IG post.

Ngunit ipinagdiinan din ni Janno na sana’y mas naging maayos lang ang pagpapaliwanag ni Lea sa protocols sa mga ganu’ng klase ng insidente involving artists.

“Sana lang nasabi niya (nang) mas maayos. Yung hindi mapapahiya ang fans. Sa akin lang naman,” ang punto pa ni Janno.

Ni-repost din ng aktor sa kanyang IG story ang viral video ni Lea na may text caption na, “Following protocols.”


Nauna rito, nag-post si Lea sa Twitter at dumepensa sa pangnenega sa kanya, “The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops.

“I’m not the type to cuss people out, but I will protect my territory and my boundaries. If I lose fans as a result, so be it,” ang matapang pa niyang pahayag.

Sa isa pa niyang post sa social media, ibinahagi rin niya ang naging usapan ng isa sa mga producers ng kanilang musical play.

“When one of our lead producers and our dance captain saw the video and learned about what happened, they said, ‘You were still very nice, if that were me I would’ve cussed at them and kicked them out.’

“I’m not the type to cuss people out, but I will protect my territory and my boundaries,” aniya pa.

Paalala ni Lea sa fans sa gitna ng viral video sa dressing room: ‘Just a reminder…I have boundaries, do not cross them’

Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Read more...