Marian walang dapat ikatakot kay Rabiya sa pagiging leading ni Dingdong: ‘Sana maka-work ko rin siya kasi siya talaga yung reyna’

Marian walang dapat ikatakot kay Rabiya sa pagiging leading ni Dingdong: 'Sana maka-work ko rin siya kasi siya talaga yung reyna'

Marian Rivera, Dingdong Dantes at Rabiya Mateo

WALANG dapat ikatakot o ipag-alala si Marian Rivera kay Rabiya Mateo bilang leading lady ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

In fairness, ang tindi rin ng chemistry nina Dingdong at Rabiya sa GMA primetime series na “Royal Blood” kaya naman palaging trending ang kanilang mga eksena sa social media.

Pero mismong ang Kapuso TV host at beauty queen na ang nagsabi na walang malisya ang tambalan nila ng Kapuso Primetime King dahil trabaho lamang ang kanilang ginagawa.

Naniniwala rin siya na naiintindihan ni Marian kung may mga chika o intriga mang lumalabas tungkol sa kanila ni Dingdong dahil artista rin ito kasabay ng pagsasabing grabe ang respeto at paghanga niya sa Kapuso Royal Couple.


Hindi pa niya nami-meet personally ni Yanyan pero sana raw ay mabigyan din siya ng chance na makatrabaho ang wifey ni Dong, “Sana someday maka-work ko rin siya, kasi reyna siya, e.”

Lantaran din niyang sinasabi noon pa na crush niya si Dingdong at talagang dream come true ang makasama niya ito sa napakalaki at napakagandang teleserye.

“Lumaki ako kay Kuya Dong. Crush ko talaga siya. Noong nakita ko nga siya, sabi ko, grabe ang guwapo niya talaga. Super!

Baka Bet Mo: Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo

“Hindi nga ako makatitig sa kanya. Nahiya ako. Siyempre dati napapanood ko lang siya sa TV.

“Pero una ko siyang nakita sa ‘Family Feud.’ Pero iba ‘yung kaeksena ko na siya, na ang eksena ay parang I’m so in love with him, na kinikilig ako.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Rabiya ito na ang time mo.’ At talagang ibinigay ko talaga. Kasi hindi ko alam kung makakatrabaho ko pa ba siya ulit.


“Pero may kaba talaga and the more na nakakasama ko siya, nagiging kumportable na ako sa kanya,” diretsahan pang sabi ni Rabiya.

Ibig sabihin, hindi talaga siya natatakot na baka pagselosan siya ni Marian, “Ay, wala pong ganu’n. Ha-hahaha! Mataas po ang respeto ko sa kanilang dalawa. Lodi po talaga.”

Samantala, inamin din niya na grabeng takot at kaba ang naramdaman ni Rabiya nang una silang magkaeksena ni Dingdong sa “Royal Blood.”

“I wont pretend, na talagang may kaba, na I had my first day jitters, at nandun talaga ang intimidation. It’s different kasi na makatrabaho mo ang Primetime King.

“Pero si Kuya Dong kasi, siya ang nagbaba ng sarili niya, na hindi ako dapat mahiya sa kanya. Na ‘wag akong mahiya sa kanya if there are things na gusto kong gawin, or things na hindi ako kumportable.

“Na-feel ko talaga na I’m welcome, because of him. And for most of the taping days, siya talaga ang kaeksena ko. And I’m very happy na naibigay sa akin ang serye na ito,” sey ng dalaga.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Promise ni Dingdong kay Marian sa gitna ng mga isyu ng hiwalayan sa showbiz: Forever and ever, amen!

Read more...