Burol para kay Ricky Rivero binuksan na sa publiko, mga naiwang kaibigan sa showbiz tuloy sa pagluluksa

Burol para kay Ricky Rivero binuksan na sa publiko, mga naiwang kaibigan sa showbiz tuloy sa pagluluksa

Ricky Rivero

SIMULA kahapon, binuksan na ng pamilya ng actor-director na si Ricky Rivero ang pagdalaw sa kanyang labi sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Commonwealth, Matandang Balara, Quezon City.

Nagluluksa ngayon ang buong showbiz industry sa pagpanaw ni Ricky nitong July 16, na unang nakilala bilang member ng dating youth-oriented show sa GMA 7 na “That’s Entertainment” ni German Moreno.

Bago namatay ang aktor, matagal siyang na-confine siya sa Philippine Heart Center matapos ma-stroke noong Mayo. Wala pang inilalabas na official statement ang kanyang pamilya hinggil sa tunay na dahilan ng kanyang pagpanaw.

Sa Facebook account ng namayapang aktor idinaan ng kanyang partner in life ang pagbabahagi ng malungkot na balita sa kanilang mga kaanak, kaibigan at mga katrabaho.

“Good morning po inyong lahat  maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po Wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po maraming salamat sa walang sawang tulong sa Asawa ko,” ang mensahe ng partner ng aktor at filmmaker.

Kahapon, July 17, muling nag-post ang karelasyon ni Ricky sa kanyang FB page upang sabihin na maaari nang dumalaw sa kanyang burol ang mga nais masilip ang kanyang labi sa huling sandali.

“Partner nya po to.

“Sa mga gusto po mag view kay Ricky tomorrow afternoon po open na for viewing.

Baka Bet Mo: Romnick OK na OK ang relasyon sa 5 anak kay Harlene; hindi pa rin ma-explain kung bakit nanalong best actor sa 1st Summer MMFF

Loyola Memorial Chapels & Crematorium Commonwealth, Loyola Memorial Chapels, 25 Commonwealth Ave, Matandang Balara, Quezon City, 1119 Metro Manila.

“Viewing po start na ng 12 pm July 17, 2023. Thank you,” aniya.

Sa social media, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mensahe ng pakikiramay sa mga naiwan ni Ricky, kabilang na riyan ang kaibigan niyang si Harlene Bautista.

“My dance partner, my favorite lifter, my Rick Astley. Magka-chat lang tayo mga two days ago. Iniisip ko kasi kung paano,” ang post ni Harlene sa Facebook at Instagram.

Ang tinutukoy niyang Rick Astley ay ang English singer-songwriter na sikat na sikat noong 1980s na siyang kumanta ng “Never Gonna Give You Up,” “Whenever You Need Somebody,” at “Together Forever.”


Dugtong pa ni Harlene, “Pahinga ka na. Alam mo yun na mahal kita at alam ko mahal mo kami nila Kuya. Salamat sa pagkakaibigan at sa tawanang walang humpay. I love you.”

Nagkomento naman sa post ni Harlene ang mga kaibigan at kasabayan din nila noon sa “That’s Entertainment.”

“So sad, Bebs. Hard to grasp,” sabi ni Jennifer Sevilla.

“Oh no!” ang komento naman ni Almira Muhlach.

Nagluluksa at nakiramay din ang kapatid ni Harlene na si Herbert Bautista sa mga naulila ni Ricky, “Malungkot na araw dahil sa pagpanaw ng isang kaibigan at kasamahan sa pelikula at telebisyon. Paalam, Ricky.

“Nakikiramay ang aming pamilya sa Salvador at Rivero Families,” aniya pa.

Samantala, inalala naman ng singer-actor na si Ronnie Liang ang panahong nagkakasama sila sa trabaho ni Ricky. Post niya sa kanyang Facebook page, “Ghost Adventures tv series on sari sari channel Cignal was the 1st time I’d worked with Mr. Ricky Rivero, as our Director, he was a hard-working guy, very professional & full of passion for his craft.

“It’s a great honor & privilege working with Direct Ricky. Rest in Peace Direct and my condolences to his family,” sabi pa ng aktor.

James Reid ibinebenta uli ang pag-aaring mansyon sa halagang P82-M

Ruffa Gutierrez inintriga ni Harlene Bautista sa kanyang Valentine’s post: What am I doing there?

Read more...