Taho, maruya, espasol pasok sa ’50 Best Street Food Sweets In The World’

Taho, maruya, espasol pasok sa '50 Best Street Food Sweets In The World'

Espasol, Taho at Maruya

PASOK na pasok sa 50 Best Street Food Sweets sa buong mundo ang tatlo sa ipinagmamalaking minatamis na pagkain ng mga Filipino.

Napabilang sa Top 50 list (mula sa iba’t ibang panig ng mundo) ng online food guide na Taste Atlas ang mga Pinoy foods na taho, maruya at espasol.

Makikita sa Facebook post ng Taste Atlas ang nasabing listahan kung saan pasok sa top 25 ang taho na nakakuha ng 4.2 rating. Nasa Top 37 naman ang  maruya na may 4.0 rating, habang nasa ika-44 spot naman ang espasol with 3.8 rating.

Sa paglalarawan ng Taste Atlas sa taho, isa ito sa mga ipinagmamalaking panghimagas ng mga Pinoy na gawa sa  soft and fresh tofu na binubuhusan ng arnibal syrup with matching sago.

Baka Bet Mo: Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

“Taho is usually sold by street vendors who sell this traditional delicacy in the early morning as a sweet, protein-packed breakfast,” sabi sa post ng Taste Atlas.


Tinawag naman nilang “famous Filipino banana fritters” ang maruya na gawa mula sa hiniwang saging na ibinalot sa  harina, at saka ipinrito hanggang sa lumutong.

“They are most commonly eaten as a light snack, sweet breakfast, or a filling afternoon dessert. These fritters are a favorite among children and can often be found at street stalls throughout the country,” ang nakasaad sa post ng online food guide.

Kung matatandaan, hinirang din ang maruya at ang turon bilang isa sa “50 best rated deep-fried desserts in the world”.

Paglalarawan naman ng Taste Atlas sa espasol na isa pang paboritong panghimagas ng mga Pinoy bilang isang malambot na Filipino rice cake. Pinagsasama ang toasted glutinous rice flour at grated green coconut at niluluto sa gata ng niyog.

“The mixture turns into soft, pliable dough that is shaped into long cylinders or triangles before each cake is coated in rice flour,” sabi pa ng Taste Atlas.

Halo-halo, Pinoy sorbetes kabilang sa ‘World’s Best Frozen Desserts’

‘Free taste’ post ni Janice na kuha sa grocery nilagyan ng malisya ng netizens, may pinatatamaan nga ba?

Read more...