Sikat na male star nilalayasan ng mga katrabaho, grabe na ang pagiging epal

By Cristy Fermin October 16,2019
share this

Sikat na male star nilalayasan ng mga katrabaho, grabe na ang pagiging epal

By Cristy Fermin October 16,2019
share this

PANAHON ngayon ng isang sikat na male personality na bumibida sa isang teleserye.

Tama, pero panahon din ngayon ng mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanya, pinagpipistahan siya kahit saan.

Isang gabi ay siya lang ang tanging naging paksa sa isang umpukan na kinabibilangan ng mga dating katrabaho niya na naglipatan na ng hinahawakang programa ngayon.

Ang dahilan, natural, ang kanilang bida na kung ano kuno ang magustuhan ay kailangang masunod kahit pa hindi naman karapat-dapat ‘yun sa takbo ng istorya ng serye.

Kuwento ng aming source, “Isang araw, e, mawawalan na siya ng kasama sa serye niya, siya na ang mag-isang magpapatakbo nu’n, dahil maraming hindi nakakatagal sa ugali niya!

“Mahirap din ang ganu’n na magaling daw, mas inuunahan niya pa ang sinusulat ng mga scriptwriters nila. Kailangang ma-inject sa script ang mga gusto niyang eksena, umaangal naman ang mga sumusulat, dahil hindi ‘yun naaayon sa takbo ng istorya.

“Pero ipinagpipilitan pa rin ‘yun ng bida, siya ang kailangang masunod, dahil sa kanya nga naman ang focus ng kuwento nila,” unang kuwento ng naiinis na impormante.

Lumipat na ng network ang dati niyang dirketor, ‘yung isa pang direktor ay nagpalipat naman ng programa, mas kumportable na silang nagtatrabaho ngayon.

Balik-chika ng aming source, “Mahirap siyang katrabaho, hindi nagsisinungaling ang mga staff niya na nag-aalisan, isa lang kasi ang dahilan na ibinibigay nila, ‘yung kanilang bida na ang dating sa kanila, e, nagmamarunong!

“Totoo namang habang tumatagal ang serye niya, e, meron na siyang natututunan, pero hindi pa rin niya dapat pinangungunahan ang mga katrabaho niya na ‘yun talaga ang linya.

“Sana, kumuha na lang siya ng trabaho sa network niya na siya talaga ang direktor, siya rin ang scriptwriter, para malaya niyang nagagawa ang mga gusto niya!

“E, ano naman ngayon kung part siya ng creative team, ibig bang sabihin nu’n, e, sasapawan na niya ang position ng mga kasamahan niya? Puwede lang siyang mag-suggest, pero hindi sa lahat ng panahon, e, siya na ang kailangang masunod!” inis pa ring pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, pakainin n’yo nga ng minatamis na bao ang sikat na male personality na ‘yan para siya matauhan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending