Miyembro ng ‘Lunch Out Loud’ nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Ang mga host ng ‘Lunch Out Loud’
SINO kaya sa miyembro ng programang “Lunch Out Loud” o “LOL” ang nagsabi sa mga kasamahan niya na magkakaroon uli sila ng show base sa usapan nila ng TV executives na ang ending ay wala naman pala?
Isa ito sa topic nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa Radyo5 92.3 TRUE FM.
Bungad ng CFM host, “Akala ko mayroon na talagang pag-uusap between the production and NET25. Akala ko talaga ay tuluy na tuloy na pero hindi pala sila nabigyan ng pagkakataon na makapag-show doon. Gusto kasi nila lunch time rin ang kanilang show.
“Pero ang dami kong nakakausap na taga-produksyon na pinangakuan pala kasi sila ng isa nilang kasamahan na nagmamarunong!
“Sabi raw ng kasamahan ng mga taga-LOL, ‘Nakausap ko na ang mga executives magkaka-show tayo sa NET25 diyan lang kayo.’
“So, umasa naman ang mga host na isang araw ay patatawag na sila at sasabihing ‘mag-rehearse na kayo at meron kayong show.’ Kung paano sila tinanggap ng TV5 sa pamamagitan ng Brightlight Productions ni Mayor Albee Benitez.
“Wala! Ang tagal-tagal nila naghintay. Kailan pa sila nawala sa ere puro false hope raw ang sinasabi ng taong ‘yun!” pahayag ni Nay Cristy Fermin.
“Paano ‘yun ‘Nay nakabinbin sila, waiting for tonight (kanta) ganu’n?” sambit naman ni Romel Chika.
Sabay kanta ni Nanay Cristy ng “Waiting For Tonight” (kanta ni Jennifer Lopez), “Alam mo ‘yang mga kinakanta mo sa Zirkoh.”
“Ha-hahaha! Ganyan po kapag wala kang inaantay,” natawang sagot naman ng stand-up comedian ng ilang comedy bars sa Quezon City.
Pagpapatuloy ni ‘Nay Cristy, “Ang masakit do’n ‘yung false hope kaya wala silang (LOL cast) trabaho ngayon.”
‘Yung iba raw ay may mga raket tulad ni Bayani Agbayani (ABS-CBN) at si Billy Crawford (show sa France at GMA 7). Sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray at iba ay totally wala.
At ang payo ni Nanay Cristy, “Walang forever kaya kapag nakaere, at namamayagpag ‘wag isapuso kasi isang araw, you’re only as good as your last show, ‘yun lang!”