Ronnie tinulungan ni Loisa nang ma-stress at ma-depress: ‘Siya ang number 1 na bumubuo sa paraiso ng buhay ko’

Ronnie tinulungan ni Loisa nang ma-stress at ma-depress: 'Siya ang number 1 na bumubuo sa paraiso ng buhay ko'

Ronnie Alonte at Loisa Andalio

MALALIM na malalim na ang pundasyon ng relasyon ng Kapamilya celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Marami ang nagsasabi na ang kulang na lang talaga sa buhay ng magdyowa ay kasal dahil pitong taon na rin naman ang itinatagal ng kanilang pagsasama.

Pero mukhang wala pa sa priority ng tambalang LoiNie ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya dahil naka-focus pa rin sila sa kanilang showbiz career.

Sa darating na November na magse-celebrate ng 7th anniversary bilang couple sina Loisa at Ronnie at aminado ang dalawang Kapamilya stars na mas lalo pang nagiging solid ang kanilang relasyon.


Sa presscon ng bago nilang serye last July 13, ang “Pira-Pirasong Paraiso” na unang collaboration ng ABS-CBN at TV5, natanong si Ronnie kung sino ang taong bumubuo sa kanyang “paraiso.”

“Ang bumubuo sa paraiso ng buhay ko maliban sa pamilya ko, given na ‘yun eh, bukod kay Lord given na ‘yun. Pero ang pinaka-number one na bumubuo sa akin ngayon yung nasa harapan ko. Totoo naman kasi, hindi tayo showbiz dito. Totoo lang,” sey ng binata.

Patuloy pa niya, “Si Loisa kasi nahiwalay ako sa family ko simula nung nag-showbiz ako. Siya ‘yung nakasama ko halos sa trabaho, siya ‘yung nag-guide sa akin kapag may problema ako, kapag nai-stress ako.

Baka Bet Mo: Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

“Dumating sa punto na na-depress ako, nandiyan siya para sa akin. Tinulungan niya ako du’n.

“At siyempre sa trabaho din pagdating sa pag-acting, inaalalayan niya ako kung may mali man sa gagawin ko. So tinutulungan niya ako. Nagtutulungan kami sa madaling salita,” pagbabahagi pa ni Ronnie.

Samantala, ikinumpara rin ng aktor ang pagkakaiba ng “Pira-Pirasong Paraiso” sa huli nilang serye sa iWantTF na “Love in 40 Days” na ipinalabas pa last year.


“Sa Love in 40 Days kasi rakista yung role ko kaya medyo nandun pa sa nag-aaral, estudyante. Dito sa Pira-Pirasong Paraiso pulis na ako dito at talagang ang layo sa first na ginawa ko.

“Dahil sa tulong ni direk Raymund (Ocampo) nagawa ko naman ‘yung trabaho ko para sa role at siyempre kasama na din dun ‘yung binasa ko ‘yung buong script para hindi ako mahirapan,” aniya pa.

Sa isang panayam, inamin ng LoiNie na pinaghahandaan na rin nila ang kanilang future sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga negosyo na isa sa pinagkakaabalahan nila ngayon.

“Sa mga business naman namin, sana mas lumakas pati ‘yung mga next project namin. ‘Yung mga branches pa na itatayo this year. Sa South pa rin, sa Biñan at saka meron sa LRT tapos meron sa school din. So soon ‘yun.

“Kailangan natin sumugal sa negosyo kasi kung hindi natin ita-try, matatakot tayo. Ganu’n naman lagi, eh.

“Kaya even before the pandemic, ang daming mga offers sa akin ng mga kaibigan, mga tropa ko or kung sino man na businessman. Sabi nila, ‘Ronnie, magpasok ka dito.’ Hindi ko pinapansin. Kasi takot ako.

“Tapos nu’ng nagka-pandemic, du’n ko naintindihan na kailangan natin sumugal sa negosyo. Kasi pag natalo ka, eh di matututo ka. Pag nanalo ka, magtu-tuloy tuloy ka,” ang sey pa ni Ronnie.

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Read more...