Jane Oineza bibida na sa sariling teleserye after 22 years sa ABS-CBN, inaming inalok lumipat sa ibang TV Network
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jane Oineza
TOTOONG nakatanggap ng offer mula sa ibang TV Network ang Kapamilya actress na si Jane Oineza, pero mas nanaig ang loyalty niya sa ABS-CBN.
Tuwang-tuwa at feeling blessed ang dalaga dahil sa wakas, makalipas ang mahabang panahon ay nabigyan din siya ng isang proyekto kung saan siya talaga ang bida.
Si Jane ang lead star sa upcoming drama series na “Nag-aapoy Na Damdamin” na siyang kauna-unahang collaboration project ng ABS-CBN at TV5.
Ayon kay Jane, after 22 years sa Kapamilya network ay bibida na rin siya sa kanyang launching series na itinuturing niyang dream come true. Nagbunga na rin daw ang matagal na niyang paghihintay at pagtitiyaga.
“After PBB (Pinoy Big Brother) po kasi nagkaroon ako ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (2015). Pero ayun po kasi, mas top bill by Ms. Vina Morales and may apat pa po akong kasama.
“So, ito po talaga (Nag-aapoy Na Damdamin) yung maituturing ko na first lead teleserye ko..Ako, sobrang saya lang po, sobrang kilig, nakakatuwa, dahil alam ko na pinaghirapan ko ito. Alam ko na hinintay ko rin naman po ito.
“Sobra kong happy kasi alam ko naman na hindi rin naman siya overnight success and I also put my hard work in this. I am just really happy na all of these are happening now,” pahayag ni Jane sa grand presscon ng naturang serye na ginanap last Thursday, July 13.
Natanong din si Jane kung sa loob ng mahigit dalawang dekada niya bilang Kapamilya ay wala ba siyang natanggap na offer mula sa ibang network.
“Meron naman po. Pero mas ano po kasi ako sa ABS-CBN, e, kasi dito na rin po ako lumaki. Family ko na rin po ang ABS-CBN, so hindi ko naisip o na-consider na iwan sila,” sey ng dalaga.
Pero nilinaw ni Jane na walang pagkakataong nagtampo siya sa ABS-CBN, mas nagkaroon daw siya noon ng doubt sa kanyang sarili.
“Siguro more on sa sarili ko, nagpapatanong ako na, ano pa ba yung kailangan kong i-prove, ano pa yung kailangan kong baguhin, kailangan kong idagdag o ibawas sa sarili ko, ano pa yung kailangan?
“Talagang sinasabi ko lang na be patient kahit mahirap. Kasi may mga times na napapaisip ako na, ‘Huwag na lang siguro.’ Pero kasi, ito talaga yung gustung-gusto kong gawin, e.
“Nag-e-enjoy talaga ako sa pag-arte, sa craft na ito, kaya hindi mahirap sa akin maghintay,” aniya pa.
Mapapanood na simula sa July 25 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 ang “Nag-aapoy Na Damdamin kung saan makakasama rin sina JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca.