Italian gf ni James Yap puring-puri ng PBA players, walang kaarte-arte | Bandera

Italian gf ni James Yap puring-puri ng PBA players, walang kaarte-arte

Cristy Fermin - October 19, 2013 - 03:00 AM

James Yap at Michaela Cazzola

Masayang-masaya si James Yap dahil binigyan siya ng pagpapahalaga ng kanyang Italian girlfriend na si Michaela Cazzola.

Pansamantalang lumiban ang dalaga sa kanyang trabaho bilang bank teller at lumipad papunta dito para lang suportahan ang kanyang karelasyon sa paglalaro ng basketball.

Gustong-gusto ng pamilya ni James si Michaela, naipakilala na ito ng basketbolista sa kanyang mga magulang at kapatid, masaya ang mag-anak dahil maligaya na uli ngayon ang kanilang kapamilya.

Nu’ng maayos pa ang samahan nina James at Kris Aquino ay nanonood din ang aktres-TV host ng mga laro ng ama ni Bimby, ang kanyang mga kapatid naman ang kasa-kasama ni Kris sa panonood, malaking suporta rin ang ibinigay ng namayapang si Tita Cory sa propesyon ni James nu’n.

Pero umasim nga ang kanilang relasyon, naghiwalay sila at nagkademandahan pa, ngayon ay may bago nang nanonood kay James Yap sa kanyang pakikipagbalyahan sa hardcourt.

Ayon kay Michaela ay isang magandang kinabukasan daw ang pinaghahandaan nila ni James, may plano raw silang magpakasal, pero hindi pa sa ngayon.

Kuwento ng isang basketbolistang anak-anakan namin, “Masaya palagi ngayon si bro (James), meron na kasi siyang inspiration. Panahon na naman talaga para sumaya si bro, matindi ang pinagdaanan niya, kailangang may inspirasyon na siya ngayon.”

Tama. Kung may kara-patang lumigaya si Kris ay ganu’n din si James, tutal naman ay tapos na ang lahat-lahat sa kanila, maayos naman ang usapan nila tungkol sa kustodiya kay Bimby.

Mabati daw si Michaela Cazzola, ayon sa mga kasamahan ni James Yap, nagkaroon kaya sila ng hindi kagandahan karanasan kay Kris Aquino nu’ng sila pa ng sikat at magaling na basketbolista?
Naman, naman, naman!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending