Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: ‘Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ricky Rivero
SUMAKABILANG-BUHAY na ang aktor at direktor na si Ricky Rivero ilang buwan matapos siyang ma-stroke. Siya ay 51 years old.
Kinumpirma ng partner ni Ricky ang malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook account ng aktor ngayong araw, July 16.
“Good morning po inyong lahat maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po.
“Salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko,” ang mensahe ng asawa ng aktor.
Sa isa pa niyang FB post, mababasa ang kanyang pamamaalam sa pinakamamahal niyang partner.
“Asawa pahinga ka na Wala kanang sakit mararamdaman salamat sa isang taong pagsasama isang taong pag-aaway isang taong isang taong kasiyahan madaming salamat sa lahat asawa. Mahal na mahal kita Ricky S Rivero,” pahayag pa nito.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ni Ricky kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.
Ngunit kung matatandaan, na-stroke nga siya noong Mayo at na-confine sa Philippine Heart Center. Una siyang na-stroke noong 2015 pero naka-revover din si Ricky matapos sumailalim sa ilang buwang gamutan.
Base sa ulat, ibuburol ang labi ni Ricky sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Balak din umano ng kanyang pamilya na ipa-cremate ang kanyang labi.
Unang nakilala si Ricky Rivero sa youth-oriented variety show ni Kuya Germs na “That’s Entertainment” at lumabas din sa mga programa noon ng GMA at ABS-CBN.
Naging unit director din siya para sa mga seryeng “Forevermore” (2014) nina Liza Soberano at Ernique Gil, “Mula Sa Puso” (2011) nina Lauren Young, JM De Guzman at Enrique Gil, at “Kokey” (2007).
Ang pinakahuling proyekto niya bilang direktor ay horror-comedy na”D’ Aswang Slayerz” starring Mel Martinez.