BIGO mang masungkit ang Miss Grand Philippines crown ay nagpapasalamat pa rin si Herlene Budol na makamit ang titulong Miss Tourism Philippines sa nagdaang coronation night noong Huwebes, July 13.
Isang appreciation post ang ibinahagi ng dalaga sa kanyang Facebook page matapos mag-trending sa social media dahil sa kanyang sagot sa question and answer portion.
“Thank you [Lord] sa lahat ng blessings na tinatamasa ko po ngayon. [Hindi] ko man nakuha ang TOP CROWN at least may CROWN padin ang Hipon girl [n’yo kahit] 3rd crown pa yan, iwawagayway ko pa rin ang bandila ng Pilipinas sa international stage,” saad ni Herlene.
Dagdag pa niya, “Dahil [hindi] rin biro sumalang sa isang national pageant mula sa registration day hanggang sa screening.”
Kaya naman ang makasama at maging opisyal na kandidata pa lang ay masarap na agad sa pakiramdam at para ka na agad nanalo sa lotto.
Chika pa ni Herlene, “Bonus din yung maka pasok at kasama ka sa bilang ng SEMI FINALIST lalo na sa estado ko na isang simpleng Hipon girl at laking squatter na [hindi] marunong mag ingles.”
Muli ngang binalikan ng dalaga ang naging journey niya sa mga sinalihang national beauty pageant.
“Binibining Pilipinas 2022 1st runner up at ngayon tinanghal ako ng MISS PHILIPPINES TOURISM 2023 ay isang malaking karangalan at achievement para sa akin,” sey ni Herlene.
Baka Bet Mo: Herlene Budol ‘sinayang’ daw, nangakong gagalingan sa Miss Tourism World
Dahil sa titulong napanalunan ay magiging representative ng bansa ang Kapuso star at lalaban para sa Miss Tourism World.
“Dahil ilalaban ako sa upcoming INTERNATIONAL STAGE sa LONDON ng NOBYEMBRE 2023 sa 32nd Annual search ng Miss Tourism World 2023.
“Eto ay panibagong yugto at hamon para sa akin dahil wala pang nakoronahan ang PHILIPPINES sa loob ng dalawang dekada.Kaya mag sisikap ako ma e uwi ang pangalawang MISS TOURISM WORLD CROWN para sa PILIPINAS!” lahad pa ni Herlene.
Labis naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga tumulong at sumuporta sa kanyang naging journey bilang kandidata ng Miss Grand Philippines.
“Salamat sa nag iisang Boss Amo Manager ko si Sir Wilbert Tolentino. Ang taong nag tiwala at tuparin ang pangarap ko. Wala ako ngayon sa kinatatayuan ko kung wala cya sa tabi ko. [You’re] one of a kind. kaya makita nyo sa larawan nito linagay ko ang Korona sa ulo nya rin. Dahil ang tagumpay ko ay tagumpay nya rin, tagumpay natin lahat,” sey ni Herlene.
Nagpasalamat rin ito sa mga gumabay, nagturo at nagpaganda sa kanya bilang preperasyon sa patimpalak.
Hindi rin nakalimutan ng dalaga ang kanyant home network at pinasalamatan niya ito sa pagpayag na abutin ang kanyang pangarap.
Nagpasalamat rin siya sa Miss Grand Philippines organization pati na rin sa kanyang pamilya at mga tagasuporta na todo cheer sa kanya noong coronation night.
“I am Herlene Nicole Budol your MISS PHILIPPINES TOURISM 2023 at 5 Special Award. BEST IN RUNWAY, MISS ARENA PLUS, MISS EVER BILENA, MISS MERMAID MANILA HAIR, MISS BLUE WATER DAY SPA!” proud pang sey ng dalaga.
Related Chika:
Herlene Budol sasabak sa Miss Grand Philippines 2023: ‘Kapal ng mukha lang po ang number 1 puhunan ko sa buhay’
Herlene Budol hakot awards, nasungkit ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023