Sheryn nag-explain kung bakit inis na inis nang matalo ni Erik sa Star In A Million: 'I really wanted to win, kailangan ko ng pera...kakapanganak ko lang' | Bandera

Sheryn nag-explain kung bakit inis na inis nang matalo ni Erik sa Star In A Million: ‘I really wanted to win, kailangan ko ng pera…kakapanganak ko lang’

Ervin Santiago |July 13,2023
facebook
share this

Sheryn nag-explain kung bakit inis na inis nang matalo ni Erik sa Star In A Million: ‘I really wanted to win, kailangan ko ng pera…kakapanganak ko lang’

Ervin Santiago - July 13, 2023 - 06:26 AM

Sheryn nag-explain kung bakit inis na inis nang matalo ni Erik sa Star In A Million: 'I really wanted to win, kailangan ko ng pera...kakapanganak ko lang'

Sheryn Regis at Erik Santos

INALALA ng Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis ang eksenang tinalo siya ni Erik Santos sa singing search ng ABS-CBN na “Star In A Million” noong 2003.

Naging kontrobersyal ang grand finals ng nasabing reality singing competition dahil sa reaksyon ni Sheryn nang tawagin na ang pangalan ni Erik bilang champion sa naturang contest.

Kitang-kita kasi ang pagsimangot ng biriterang singer nang matalo siya ni Erik na patunay na hindi niya nagustuhan ang naging resulta ng labanan. Talagang nanega nang bonggang-bongga si Sheryn nu’ng kasagsagan ng isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sheryn Regis (@sherynregis)


At makalipas nga ang dalawang dekada, binalikan ni Sheryn ang alaalang iyon sa isang bahagi ng kanyang “All Out” anniversary concert last July 8, sa Music Museum. Isa nga sa naging special guest niya roon ay ang Prince of Pop na si Erik Santos.

“At that time, I really wanted to win. I needed money. Kakapanganak ko lang,” ani Sheryn. Nagsara raw kasi yung hotel na pinagtatrabahuan nila ng dati niyang asawa at kapapanganak pa lamang niya.

“Paano na ‘yung anak ko? ‘Yung pamilya ko? Sana nakuha ko ‘yun, pero hindi e,” sabi pa ni Sheryn na ang tinutukoy ay ang P1 million cash prize sa sinalihang contest.

Baka Bet Mo: Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra

Dagdag pa niya “Napakaliit ng consolation prize. Honestly, P16,000 lang po ang nakuha ko noon.”

Patuloy pa niyang paliwanag, “I really didn’t mean to react that way during the announcement back then. I just couldn’t help it. Hindi ko mapigilan.”

“Gusto ko lang ‘yung cash prize. Gusto ko lang talaga ‘yun,” sey pa niya.

Sa isang hiwalay na panayam, nilinaw ni Sheryn na hindi siya nagalit kay Erik kundi disappointed siya sa sarili niya, “Ano bang ginawa mo Sheryn, bakit failure ka na naman, loser ka na naman. Ganoon ka-bitter ‘yung feeling ko for myself.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sheryn Regis (@sherynregis)


Yun pala, may mas malalim pa palang dahilan kung bakit ganu’n ang naging pakiramdam niya sa kanyang sarili, “I was already drowning sa dami ng nararamdaman ko at that particular moment.

“Later on, I was told na kaya pala lalo akong naging emosyonal because I was already experiencing postpartum depression,” pag-amin ni Sheryn.

“Hindi ko naman alam kung ano ‘yang depression na ‘yan. Ganu’n pala ‘yun. ‘Yung halo-halong hindi ko maintindhan talaga. Lahat ng emotions nandoon, na hindi ko ma-control,” sabi pa ni Sheryn sa harap ng audience sa kanyang concert.

Kasunod nito, biglang umakyat sa stage si Erik at niyakap si Sheryn patunay lamang na hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila at nananatiling sandalan ang isa’t isa.

2 aktor nagsuntukan dahil kay Dina Bonnevie; inis na inis kay Boyet nang kumain ng bagoong bago sila maghalikan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sheryn Regis nag-asawa’t nagkaanak: Pero alam kong babae talaga ang gusto ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending