Erik Santos hirap pa ring mag-move on: Mami-miss kita alagaan ‘Nay, yung mga luto mo, yung mga tawanan natin…
INAMIN ni Erik Santos na hindi pa rin siya maka-move on sa pagkawala ng pinakamamahal na ina, pero kailangan niyang tanggapin at ang tanong lang niya lagi sa sarili, “Kaya ko kaya?”
Nitong Nobyembre 30 na-cremate ang labi ni Gng. Angelita Ramos-Santos at iuuwi muna ito nina Erik sa kanilang bahay para makasama rin nila sa Pasko at Bagong Taon.
Halos araw-araw ay may post ang mang-aawit tungkol sa ina na araw-araw niyang inaalala ang naging samahan nila.
Nitong Huwebes nang umaga ay ipinost ni Erik ang larawan ng ina na nakatalikod at nakaupo sa wheelchair na may suot na bucket hat dahil nga nawalan na ito ng buhok.
Caption ni Erik, “Nanay, I know you are in a better place now. BEST place actually kasi kasama mo na si Papa JESUS. No more pain, no more NGT, no more pig tails, no more catheters, no more tests and scans, wala nang mga nakatusok sa katawan mo, no more chemo, no more blood transfusion, no more oxygen tank, no more bed sores, no more diapers, makakahinga ka na ng mapayapa without any machine, no more cancer.
“Ma-mi miss kita alagaan Nay, ma-mi miss ko yung mga luto mo, yung mga tawanan natin, mga kwentuhan sa kubo about life habang nag kakape sa umaga, ma-mi miss kita i-kiss at i-hug everyday, ma-mi miss ko yung daily prayers natin.
View this post on Instagram
“Ma-mi miss kita tooth brushan, linisan, hugasan, palitan ng diapers, buhatin para umupo, ma-mi miss kita i-nebulize, ma-mi miss kita i-massage, ma-mi miss ko ang mga tawa mo’ Nay, yung mga jokes mo. Ma-mi miss kita katabi sa pagtulog. I will miss everything about you.
“Thank you very much for fighting for us until your very last breath. You have fought the good fight. Napaka tapang mo Nanay.
“I know in my heart that you are very happy now with our Lord Jesus Christ. I know, that you will always be there to guide me, si tatay at mga kapatid ko. You are now our guardian angel. What a perfect name it is – ANGELITA.
“We will always love you Nanay. You will never be forgotten. NEVER! You will always be in our hearts FOREVER. I know someday, we will see each other again.
“Mahal na mahal na mahal kita, Nanay ko. You may now rest in the loving arms of God. You will always be our hero, our forever love, the wind beneath our wings,” mensahe ni Erik.
At nitong 4 p.m. ay muling ipinost ni Erik ang vase kung saan nakalagay ang urn ni nanay Angelita na itinabi sa malaki nitong larawan.
Related Chika:
Erik Santos nagluluksa sa pagkamatay ng ina: Mahal na mahal na mahal kita!
Erik Santos sa pagpanaw ng ina: Kapag mag-isa na lang ako, nagbe-breakdown ako, hindi ko kaya…
Erik sa paghahanap ng kanyang ‘the one’: Kailangan grabe yung faith niya kay God
Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.