Jeffrey Tam may napansing lumaki sa isang bahagi ng katawan ni Alden…ano kaya yun?

Jeffrey Tam may napansing lumaki sa isang bahagi ng katawan ni Alden...ano kaya yun?

Alden Richards at Jeffrey Tam

PINATUNAYAN ng komedyanteng si Jeffrey Tam na mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang ugali ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ayon kay Jeffrey, sa kabila ng estado ni Alden ngayon sa buhay at sa pagiging big Star nito sa entertainment industry, ay nananatili pa rin ang kabaitan nito at pagiging humble.

Naging close sina Alden at Jeffrey nang magkasama sila sa blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbidahan ng Pambansang Bae at ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo.


Nag-post si Jeffrey sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Alden habang nakaakbay ito sa kanya. Hindi nabanggit ng komedyante kung saan kuha ang nasabing picture.

Sa caption, sinabi ni Jeffrey na  nakakatuwang malaman na hindi lumaki ang ulo ng Kapuso matinee idol sa kabila ng kanyang estado hindi katulad ng ibang artista na sa kakapiranggot na  kasikatan ay yumayabang na.

Baka Bet Mo: Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko

Ngunit tila may napansin si Jeffrey na lumaki kay Alden — hindi raw ulo kundi ang kamay nito na makikita sa kanilang litrato.

“Brader nagpapasalamat ako sa’yo at tinuring mo akong kaibigan wag kang gagaya sa ibang artista na lumaki ang ulo.


“Buti na lang KAMAY lang lumaki sa’yo. hahahhahah labyubrad,” ang caption ni Jeffrey sa kanyang IG post.

Isa sa mga nag-react sa photo nina Jeffrey at Alden ay ang kaibigan din nilang si Joross Gamboa na nakasama rin nila sa “Hello, Love, Goodbye”. Biro nito, “@jeffreytamagician parang napipilitan na si @aldenrichards02.”

Ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” (2019) na pinagbidahan nga nina Kathryn at Alden na idinirek ni Cathy Garcia under Star Cinema ay nananatili pa ring highest grossing-movie of all time.

Jeffrey Tam kinumpirma ang ‘sipa incident’; inaming okay sila ni Billy

Ruru Madrid umaming lumaki ang ulo nang bumida sa Encantadia: Everyone was saying, ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes’

Read more...