Meryll Soriano ‘pinatay’ na sa serye ni Richard Gutierrez, umaming nalungkot sa pamamaalam ni ‘Juno’
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Meryll Soriano
NAG-LAST day na ang karakter ni Meryll Soriano bilang si Juno nitong Lunes, July 10 sa seryeng “The Iron Heart” kaya’t nagpasalamat siya sa buong production.
Pinasalamatan niya ang producers, directors, creative team, co-actors niya, stylist, wardrobe, stuntment at iba pa. At higit sa lahat, ang mga tagasubaybay ng seryeng pinagbibidahan ni Richard Guttierrez.
Inamin ng aktres na nalungkot siya dahil pinatay na ang karakter niya sa serye at kailangan niyang tanggapin na oras na niya.
May mga bagong pasok na karakter na kasi sa ikalawang libro ng “The Iron Heart.”
Ipinost ni Meryll ang video ng mga action scenes niya sa kanyang Instagram nitong Lunes na may caption na, “One of the hardest decisions is to not continue on as Juno. But, the time has come.
“To Juno, your bravery is unmatched. To be able to bring you to life was an honour.
“To my Apollo 5, you are family. I will always cherish the friendship. Thank you.
“To my directors, thank you for your patience, guidance and compassion. and, for making my dream come true— an action star.
“To Chang Des, thank you. You know how much gratitude I have towards you.
“The whole cast— an honour sharing this story with you. The energy and passion unparalleled.
“The whole Star Creatives Team — from our writers, EPs, staff, editors, Chang Des, thank you.
“Team 360, woooh! Thank you! I loved every minute of working with you guys!!!
“To my dearest Camera Team, DOPs, Lighting Crew, gaffers, utility and marshals — I looked forward to every taping day because of you guys. Your kindness will never be forgotten. I am so so grateful sa inyo. Maraming salamat sa pag-aalaga at pagmamahal.
“Sa Costume and Wardrobe — kayo ang kape ko sa umaga. Minsan mapakla, Minsan tamang-tama. Pero laging kinakailangan para sa pag umpisa ng araw sa trabaho. Kayo ang rason sa napakaraming tawa at saya. Maraming Maraming salamat sa pag-alaga.
“To our audience, you guys are amaaaazing. You have kept us on our toes and we’re always motivated to do better,” ang kabuuang mensahe ng aktres.
At siyempre nag-thank you rin siya sa kanyang talent management na nag-aalaga sa kanya, “Tita Milkshake Andoy Ranay and Crown Artist Management, thank you for taking care of me.”
At dahil naka-lock in shoot ang “The Iron Heart” ay ang partner niyang si Joem Bascon ang nag-alaga sa kanilang anak kasama ang pamilya ng aktor.
“To Joem and ng family— you guys are my rock. Thank you so much for your patience and understanding. I love you guys so much.
“Isang malaking hingang malalim. I will definitely miss you Juno and the show.
“To moving forward!”
At dahil gusto munang magpahinga ni Meryll kaya pansamantala muna siyang nagpaalam sa social media.
“A long way to get here — rest. I wish to see you, Momma Ocean. Your calming waves are the lullaby to my soul… maybe next time soon. You’ll always be with me as soon as I close my eyes.
“Unplugging for now. I am exhausted.
“See you in a few days social media
“Rest when you’re weary. Refresh and renew yourself, your body, your mind, your spirit.Then get back to work” – Ralph Marston. #planetumeboshi,” aniya pa.
Naka-off naman ang comments section ng IG account ni Meryll kaya wala kaming nabasang reaksyon sa pamamahinga niya sa socmed pero marami ang nag-like sa post niya.
Speaking of “The Iron Heart” ay kasama pa rin ni Richard as Apollo sina Ian Veneracion, Dimples Romana, Christian Vasquez, Lance Pimentel, Jake Cuenca at ang pamilya ng una sa pangunguna nina Roi Vinzon, Louise Abuel, Althea Ruedas, Anthony Jennings, Sue Ramirez, Sofia Andres at Pepe Herrera.
Napapanood ito sa Kapamilya online channel pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” handog ng Star Creatives.