Donnalyn naiyak sa natanggap na award mula sa World Women Leadership Congress 2023: ‘I know I can do better, I have so much to improve…’

Donnalyn naiyak sa natanggap na award mula sa World Women Leadership Congress 2023: 'I know I can do better, I have so much to improve...'

Donnalyn Bartolome

BEST birthday gift” kung ituring ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome ang natanggap niyang award kamakailan.

Isa si Donnalyn sa mga binigyan ng Woman Leader award sa katatapos lamang na The World Women Leadership Congress 2023 na ginanap sa Dusit Thani Manila hotel sa Makati City.

Ibinandera ng aktres at content creator ang natanggap na parangal sa buong universe sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang mga litrato na kuha sa naganap na event.


Hanggang ngayon ay feeling nasa Cloud 9 pa rin si Donnalyn dahil sa ipinagkaloob na parangal at pagkilala sa kanya.

“I’m crying right now typing this~ One of, if not, the BEST birthday gift I’ve ever received today is this recognition about some of the good things I’ve done here on Earth,” simulang mensahe ni Donnalyn sa inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

“The World Women Leadership Congress awards 2023, made me an Award-Winning Woman Leader

Baka Bet Mo: Barong Tagalog ni Robin para sa 19th Congress at Sona 2022 binili sa isang mall; OOTD ni Imee may ‘ipinaglalaban’

“This made me feel so appreciated. Thank you so much for this but I’m here to remind you that the final and most important one who sees how good you truly are isn’t here on Earth, so continue doing good things whether you’re credited or not.


“God, I know I’m not perfect and I make mistakes, at times I feel undeserving… but you still continue to reward me with a loving family, beautiful hearted friends and the kindest supporters,” pahayag pa ng vlogger.

Nangako rin si Donnalyn sa kanyang fans at social media followers na patuloy siyang magsusumikap upang mas mapabuti pa ang sarili at mapatunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa natanggap na award.

“I know I can do better, I have so much to improve, I’m so blessed to be given this chance.

“I’ll continue working hard to be worthy of this love. Thank you World Women Leadership Congress awards—The Philippines Leadership Congress & Awards 2023,” aniya pa.

Last July 9, nag-celebrate si Donnalyn ng kanyang 29th birthday. Walang masyadong ingay ang naging selebrasyon niya hindi tulad ng nangyari last year.

Matatandaang naging kontrobersyal ang birthday ng dalaga dahil sa ginawa niyang sexy pictorial with her “baby OOTD”. Nag-sorry naman ang aktres matapos ma-bash nang bonggang-bongga.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” ang pahayag ni Donnalyn na nali-link ngayon sa magaling na aktor na si JM de Guzman.

Sue Ramirez big blessing kung ituring si Jodi: I have always and will forever look up to you, my Ate!

Promise ni Arjo kapag ikinasal na sila ni Maine: ‘She is definitely my priority, my family then Congress’

Read more...