Sarah gaganap na Valentina sa ‘Darna’ ni Angel

By Ambet Nabus December 01,2016
share this

Sarah gaganap na Valentina sa ‘Darna’ ni Angel

By Ambet Nabus December 01,2016
share this

sarah lahbati at angel locsin

KALAT na kalat na ang tsismis na magiging kontrabida ni Angel Locsin bilang Darna si Sarah Lahbati.

Gaganap umanong Valentina ang maganda at seksing misis ni Richard Guttierrez at wala raw itong keber kung kontrabida man ang role niya sa bagong movie version ng “Darna” under Star Cinema.

Ang tsika pa ng aming ka-Chismacker sa bakuran ng ABS-CBN, tapos na ang shortlist para sa role at shoo-in na nga si Sarah na this early ay nagpi-prepare na for her role.

Tanong ng ilang fans ni Sarah, nagbibigay na kaya ng tips si Richard sa kanyang asawa dahil minsan na ring naging leading lady niya si Angel? Isa ang “Darna” sa pinakaaabangang movie ngayong 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending