Hong Kong-American pop singer Coco Lee palihim na nakipaglaban sa breast cancer, itinago sa pamilya at mga kaibigan
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Coco Lee at Je Chong
BUKOD pala sa naranasang matinding depresyon, nakipaglaban din sa breast cancer ang Hong Kong-born American singer na si Coco Lee.
Ito ang kinumpirma ng kanyang kaibigang songwriter-producer na si Jae Chong sa pamamagitan ng kanyang latest post sa Instagram.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdadalamhati ng pamilya, mga kaibigan at fans ni Coco Lee na pumanaw na nga noong July 5, tatlong araw makalipas isugod sa ospital matapos magtangkang magpakamatay.
Ibinalita ng dalawa niyang kapatid na sina Nancy at Carol, na noong July 2 ay nagtangkang mag-suicide ang international singer-songwriter.
Nang matagpuan si Coco na walang malay ay agad siyang isinugod sa ospital ngunit na-comatose hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.
Kasunod nito, ibinahagi nga ng kanyang kaibigang record producer na si Jae Chong na hindi lang sa depresyon nakipaglaban ang singer dahil nagkaroon Don ito ng breast cancer.
Nagdesisyon si Coco Lee na ilihim na lamang ito sa kanyang pamilya at mga kaibigan upang hindi na mag-alala ang mga ito.
Sa IG post ni Jae Chong makikita ang mga litrato at video nila ni Coco na may caption na, “I’m utterly broken to hear the news about Coco. She has been one of my closest friends and has been responsible for my career.
“I remember when she told me about her illness few months ago I sat in my car crying nonstop.
“She was suffering from so many different things including secretly battling cancer. She was a true fighter. She didn’t want her fans and family to worry,” mensahe pa nito.
Sa huli, sinabi nitong ipinagdarasal niya si Coco at kung nasaan man ito ngayon, sana’y nakamit na niya ang walang hanggang kaligayahan at katahimikan.
“I pray that she is in heaven where there is no more pain.
“Melody and Coco had a bond that was so strong and she is here crying with me.
“The last few video clips are from the last moments we spent with her.
“We love you Coco! We will never forget you! We will continue your legacy! [red heart emoji] R.I.P. @cocolee,” aniya pa.
Sumikat si Coco Lee sa music industry noong 1994 sa edad na 19 matapos magtagumpay ang kanyang debut album na ini-release sa Taiwan. Taong 1990s naman nang makapasok siya sa American music scene.
Tinawag din siyang “Mariah Carey of Asia” dahil sa kanyang vocal rang. Ilan sa kanyang mga hit songs ay ang “Before I Fall In Love”, mula sa soundtrack ng Hollywood movie na Runaway Bride noong 1999), “A Love Before Time,” na kasama sa soundtrack ng “Crouching Tiger, Hidden Dragon” (2000) at ang version niya ng “Reflection” mula sa animated film na “Mulan.”