Alden todo-tanggol kay Sharon nang ma-bash dahil sa pagbibiro kay Maine: ‘I-forgive na lang natin yung situation, wag masyadong harsh’

Alden todo-tanggol kay Sharon nang ma-bash dahil sa pagbibiro kay Maine: 'I-forgive na lang natin yung situation, wag masyadong harsh'

Arjo Atayde, Maine Mendoza, Alden Richards at Sharon Cuneta

HANGGANG ngayon ay ayaw pa ring tantanan ng ilang netizens ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos tuksuhin si Maine Mendoza kay Alden Richards sa pilot airing ng “E.A.T.” sa TV5.

Inalmahan ito ng fans ni Maine at ng mga supporters ng fiancé nitong si Arjo Atayde, para sa kanila “insensitive” ang  ginawa ni Mega sa bagong noontime show ng TVJ lalo’t matagal nang wala ang tambalan nina Maine at Alden na AlDub.

Si Sharon ang special guest sa unang episode ng “E.A.T.” noong July 1 sa TV5 at pagkatapos nga ng production number niya kasama ang TVJ, ay binati niya si Maine.

Sey ni Mega, “Maine, congrats, ha. Nagsu-shooting ako ngayon. May kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son. Ang pangalan niya Alden.”


Sinagot naman siya ni Maine ng, “Congrats po sa movie ninyo, Ms. Sharon.”

Sundot na panunukso ng Megastar sa TV host-actress, “Uy, pero congrats, ha. Hi Alden, nandito si Maine.”

Kasunod nga nito ang pamba-bash kay Sharon ng mga haters sa social media na nagsabing maling-mali ang ginawa ni Sharon dahil alam naman nitong ikakasal na si Maine kay Arjo.

Kaya naman to the rescue kay Mega si Alden na nakiusap sa mga fans na huwag nang palakihin ang isyu. Aniya, wala siyang nakikitang masama sa pagbibiro ng actress-singer.

Baka Bet Mo: Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

“Hindi ko rin po kasi alam kung paano maintindihan nu’ng mga manonood yung delivery po ni Ms. Sharon, but I think she meant well.

“Siguro kung feeling po nu’ng iba na nabastos in a way si Arjo at Maine, of course dahil ikakasal na, siguro naman po hindi iyon yung intention ni Ms. Sharon.


“Sana naman po huwag nating husgahan agad, and kumbaga, of course, we pay respect to the couple kasi nga po ikakasal na sila. But siguro na-excite lang din si Ms. Sharon that time. Kasi nga, first balik niya sa Eat Bulaga after that time,” paliwanag ng Pambansang Bae nang makapanayam ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng “Battle of the Judges” ng GMA 7.

“Nakukuwento rin po niya sa akin na fan po siya ng AlDub before so, feeling ko po, it’s out of excitement. Sana lang po huwag po masyadong personalin.

“Kumbaga, wala pong issue na gustong simulan yung pag-guest po ni Mama (Sharon) du’n. So, i-forgive na lang natin yung situation. Wag masyadong harsh,” pakiusap pa niya sa mga bashers.

Samantala, tinatapos na nga nina Alden at Sharon ang kanilang pelikula na “A Mother and Son’s Story” na nakasama sa first four official entries ng Metro Manila Film Festival 2023.

Sabi ni Alden, parang tunay na mag-ina na ang turingan nila ni Mega, “Sobra pong bilis ng mga pangyayari at kulang na lang po ata birth certificate na parang whole-packed family na po kami ni Ms. Sharon.

“Gusto po niyang tawag ko sa kanya ‘Mama.’ kasi kapag tinawag ko po siyang Ms. Sharon, sinasabi po niya na ‘Teacher mo ba ako?'” sey pa ni Alden.

Sharon Cuneta tinalakan ng netizens matapos ‘biruin’ si Maine kay Alden

Alden nagsalita na sa walang kamatayang tsismis: ‘Wala po kaming anak ni Maine, yan po ang totoo’

Read more...