Target ni Tulfo by Mon Tulfo
SI Justice Mariano del Castillo, na sangkot sa pagkopya word for word sa desisyon ng ibang legal experts, ay hihingi ng “sorry” sa sambayanan.
Pero di siya magre-resign.
Ang pinag-resign ni Del Castillo ay yung tatlo niyang researchers na sumulat ng desisyon para sa kanya.
Ang desisyon ay tungkol sa mga sex slaves noong panahon ng Hapon.
Kapal ng mukha nitong si Del Castillo. Wala siyang delicadeza.
Kapit-tuko siya sa puwesto.
Noong unang panahon ay may delicadeza ang mga justices sa Supreme Court.
Noong mga panahong nagdaan it was honorable to be a Supreme Court justice.
* * *
Kung abogado ang inyong lingkod, baka na-disbar na ako dahil sa aking komentaryo sa itaas laban sa Supreme Court.
Buti na lang at hindi ako abogado.
Sabi ng aking kaibigang abogado, nakakahiya na raw na maging atorni sa mga panahong ito.
Pero puwede akong balikan ng Korte Suprema: Baka yung mga libel cases ko na on appeal sa Supreme Court ay ma-affirm.
Ang mga diyos at diyosa sa hudikatura ay mga tao rin na katulad natin: Nagtatanim din sila ng sama ng loob.
* * *
Nasabi ko ito dahil yung mga ungas sa Court of Appeals ay ginantihan ako sa pamamagitan ng pagkatalo ng isang kaso kung saan ako ay may interest.
Ang tinutukoy kong kaso ay yung kay Jeff Quesada na lumpo na pinatawan na habambuhay na pagkabilanggo ng Bulacan Regional Trial Court sa kasong rape.
Imposible na puwedeng manggahasa si Jeff dahil kung hindi nga niya kaya ang kanyang sarili—binubuhat siya kapag pumupunta siya sa banyo—bakit kakayanin pa niya na manghalay?
Inapela ang kaso ni Jeff sa Court of Appeals at nang malaman ng mga ungas doon na interesado akong mapalaya si Jeff, kinatigan ng appellate court ang Bulacan Regional Trial Court.
Kung hindi mga ungas yung mga justices sa Court of Appeals, bakit nila gagawin yun kay Jeff dahil lang galit sila sa akin?
Palagi ko kasing binabatikos ang Court of Appeals dahil sa mga kawalanghiyaan ng mga justices doon.
* * *
Mga giliw kong mambabasa, hindi ko kaanu-ano si Jeff Quesada.
Nakadaupang-palad ko siya noong ako’y may public service program pa sa DWIZ at RPN 9 na “Isumbong mo kay Tulfo.”
As a matter of fact, si Jeff ang isinumbong sa akin na binibigyan daw ng VIP treatment sa Bulacan provincial jail.
Nang kami ay nag-imbestiga ay napag-alaman namin ang kalagayan ni Jeff at naawa ako sa kanya.
Binatikos ko ang judge na nagdidinig ng kaso ni Jeff. Sinabi ko na hindi niya ginagamit ang kanyang sentido komon dahil lumpo si Jeff at dapat ay dinismis agad ang kasong rape laban sa kanya.
Dahil sa aking pagbabatikos ay mas lalong nadiin si Jeff at siya’y pinatawan ng habambuhay na pagkabilanggo.
Inasahan ko na mapapawalang-sala si Jeff sa Court of Appeals, pero ako’y nagkamali dahil kinatigan nito ang lower court.
Nabubulok si Jeff sa National Penitentiary sa Muntinlupa dahil lamang nagalit ang huwes at mga mahistrado sa inyong lingkod.
Bandera, Philippine news at opinion, 072610
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.