Laruan lang | Bandera

Laruan lang

Joseph Greenfield - October 18, 2013 - 01:40 PM

Sulat mula kay Erna ng Barangay Pamucutan, Zamboanga City

Dear Sir Greenfield,

Nadismaya ako sa sinabi sa akin ng magtatawas. Nagpatingin kasi ako dahil akala ko ay buntis na ako. Tatlong taon na kaming nagsasama ng boyfriend ko pero di pa kami nagkakaanak. Hindi naman talaga namin kailangan ng bata sa ngayon dahil napakahirap ng buhay. Pero ito na lang ang kulang sa amin para masabing may pamilya na ako. Ang sabi ng magtatawas ay hindi naman ako buntis. Hindi raw ako mabubuntis sa lalaking hindi naman ako tunay na mahal. Ang sabi ng magtatawas ay pinaglalaruan lang daw ako ng kinakasama kong lalaki. Nadismaya ako at gulung-gulo ang aking isipan. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, pero ayaw niya. Mas matanda kasi siya sa akin ng limang taon. Ano po ba ang dapat kong gawin upang makatakas na ako sa panggagayumang ginawa sa akin ng boyfriend ko? July 1, 1993 ang birthday ko.

Umaasa, Erna ng Barangay Pamucutan, Zamboanga City

Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Dalawa ang nakikitang Marriage Line (Illustration 1., arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung ang boyfriend mo na kinakasama mo ang unang lalaking dumating sa iyong buhay, tiyak ang magaganap—may ikalawang lalaki pang darating sa iyong buhay na siya na ngang makakatuluyan at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Cartomancy:

King of Spades, Jack of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing simula sa buwang ito, sampung buwan pa ang lilipas, ay mawawala na ang bisa ng gayuma na isinagawa sa iyo ng boyfriend mo. Matapos ito ay muli kang makakikilala ng lalaking halos kasing edad mo rin. Ang lalaking nabanggit ang siyang mapapangasawa at makakasama habambuhay.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending