I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |October 18,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - October 18, 2013 - 01:34 PM

Mula kay Lissa ng …9886, Bacolod City. January 13, 1995 ang birthday ng boyfriend ko at May 5, 1996 naman ako. Compatible po ba kami at siya na ba ang makakatuluyan ko balang araw?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Capricorn naman ang boyfriend mo, sigurado ang tugon, tugma at compatible kayo kaya balang araw kayo na rin ang inaasahang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Evelyn ng  …5001, Cotabato. June 11, 1981 ang birthday ko at February 4, 1979 naman ang mister ko. Kailan kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Gemini at Aquarius naman ang mister mo, gayon din sa birth date mong 11 at 4 naman ang birth date ng mister mo, sa susunod na taong 2014 hanggang 2015, sa edad mong 31 pataas magkaka-anak na kayo!
>>>
Mula kay Ms. Libra ng …0175, Dumaguete City. October 3, 1995 ang birthday ko. Magkakabalikan pa kaya kami ng boyfriend ko kahit na may asawa na siya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 3, 1995 kung ang boyfriend mo ay isinilang sa zodiac sign na Aquarius, Gemini, Aries o kapwa mo Libra, tiyak ang magaganap, magkakabalikan pa kayo kahit na may asawa na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending