Pauline Amelinckx pasok sa finals ng ‘Suprachat’ challenge ng 2023 Miss Supranational pageant
HIGIT pang lumapit sa rurok ng isang online challenge ng 2023 Miss Supranational pageant ang pambato ng Pilipinas na si Pauline Amelinckx makaraang mahirang bilang isa sa limang finalists ng “Suprachat.”
Ipinakilala ng patimpalak sa social media madaling-araw ng Hulyo 8 ang Top 5 ng Suprachat na kinabibilangan ni Amelinckx, kasama sina Alexa Grant mula Canada na may lahing Pilipino, Pragnya Ayyagari mula India, Valeria Florez mula Peru, at Ayanda Thabethe mula South Africa.
Pinili ang lima mula sa 10 semifinalists, na nagsipagwagi sa kani-kanilang grupo para sa Suprachat noong isang buwan. Para sa semifinal round, binigyan sila ng tatlong tanong sa kumpetisyong isinagawa online.
Nang tanungin kung naniniwala silang kailangang i-coach ang mga kandidata para sa mga pageant, sagot ni Pauline: “I really think that all the candidates, somehow, can draw so much energy and knowledge from different mentors, so that they themselves can find the best in themselves, and then be able to bring that out onstage.
“I definitely think that getting all the help from so many different people and tapping into their own talents and knowledge is such an asset in the pageant industry.”
Baka Bet Mo: Pauline Amelinckx sa muling pagrampa sa Miss Universe PH: ‘Not a last minute decision’
Tinanong din ang mga kalahok kung anong batas ang nais nilang maipatupad sa lahat ng mga bansa.
Tugon naman ni Pauline: “It would be a law where everyone would have access to healthcare. Especially now with the pandemic almost reaching its close, I think all of us now realize how important equal healthcare is to everyone, for us to live our best lives, and to make sure that healthcare also reaches everyone in every single corner of every community all over the world, so that we can all live our best lives, and give our best to others, too.”
Sa huling tanong, pinag-isip ang mga kandidata kung ano ang susi sa pagbuo ng matatag at makabuluhang relasyon sa kapwa.
Sagot ni Pauline: “It would be understanding, I think, and compromise. We all come from different parts of this world, and we come together in this pageant, and we ourselves have so many different stories that we bring on this stage. But as long as we have the willingness to listen to other people’s stories, and the willingness to understand where they themselves are coming from, and perhaps find a certain common ground or compromise for us to be able to cohesively live together, then I think we’ll be able to live a very beautiful life.”
Natukoy ang finalists ng isang pangkat ng “evaluators” na pinagmulan ng 70 porsyento ng kabuuang iskor, habang kinuha naman ang natitirang 30 porsyento mula sa suporta online. Nakapasok na rin sina Amelinckx at Grant sa Top 7 ng “Supra Influencer” challenge. Nakaungos ang pambato ng Pilipinas dahil sa pagwawagi sa “YouTube Influencer” challenge, habang napanalunan naman ng kinatawan ng Canada ang “Facebook Challenge 4.”
Tatangkain ni Pauline na maibigay sa Pilipinas ang ikalawa nitong panalo sa Miss Supranational pageant, 10 taon mula nang makoronahan si Mutya Johanna Datul bilang unang Pilipinang reyna noong 2013. Isasalin ni reigning queen Lalela Mswane mula South Africa ang titulo sa magiging tagapagmana niya sa 2023 Miss Supranational coronation show sa Strzelecki Park Amphitheater sa Nowy Sacz, Poland, sa Hulyo 14 (Hulyo 15 sa Maynila). Animnapu’t pitong kandidata ang nagtatagisan ngayong taon.
Related Chika:
Miss Supranational 2023 Pauline Amelinckx sinupalpal ang mga basher na nagpapanggap na pageant fans, Catriona Gray nag-react
Pauline Amelinckx pasok na naman sa isa pang online contest ng 2023 Miss Supranational pageant
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.