Cristy Fermin natutuwa sa pagdadalang-tao ni Pauleen Luna: Nang dumating ang swerte, bumuhos!

Cristy Fermin natutuwa sa pagdadalang-tao ni Pauleen Luna: Nang dumating ang swerte, bumuhos!

PHOTO: Instagram/@pauleenlunasotto

MASAYANG chinika ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang pagbubuntis ng TV host-actress na si Pauleen Luna para sa second baby nila ng mister na si Vic Sotto.

Sa pamamagitan ng latest YouTube vlog ni Manay Cristy na “Showbiz Now Na!” kasama si Romel Chika at Wendell Alvarez ay binati ng tatlo ang aktres habang inihahayag ang kanilang saloobin pagdating sa bagong show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na “E.A.T.”

Sa tingin ng batikang kolumnista, nagkasunod-sunod ang swerte ng mag-asawang Pauleen at Vic dahil sa upcoming second baby nila.

“Nagdadalang-tao si Pauleen Luna para sa kanilang pangalawang anak ni Bossing Vic Sotto,” sambit ni Manay Cristy.

Aniya pa, “May kapatid na si Tali. Nakakatuwa naman. Nang dumating ang swerte, bumuhos talaga.” 

Kung maaalala, lalong tumindi ang espekulasyon ng madlang pipol matapos tawaging “buntis” ni Joey si Pauleen sa livestream ng E.A.T noong nakaraang araw.

Hindi ito nakaligtas sa mga manonood at nag-trending pa sa social media.

Baka Bet Mo: Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’

Pero bago ‘yan, nauna nang nagduda ang mga netizen sa kundisyon ng aktres nang hindi siya nakasama kina Vic at Tali na dumalo sa wedding ni Kathleen Hermosa na ginanap sa Cebu.

Marami rin ang nakapansin sa tila paglusog ngayon ni Pauleen base sa isang Instagram post na kasama ang kanyang mister na kuha sa isang salon. 

Dahil diyan, may mga IG users ang nangungulit at nagtatanong kung buntis ba siya.

Nauna nang sinabi ni Vic na gustung-gusto rin ni Tali na magkaroon ng baby brother or sister.

Chika niya sa dating interview, “The truth, tuwing nagdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?’”

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman in God’s time… alam mo naman si Tali nu’n, we just waited for God’s timing.”

Related Chika:

David super lucky na sa career, swerte pa sa negosyo: ‘Naalala ko umutang pa ako sa dad ko para sa itinayo kong boxing gym’

Read more...