Dahil sa tagumpay ng Hori7on, LCS Entertainment ni Chavit Singson naghahanap naman ng pasisikating all-female global P-Pop group

Dahil sa tagumpay ng Hori7on, LCS Entertainment ni Chavit Singson naghahanap naman ng pasisikating all-female global P-Pop group

Hori7on at Chavit Singson

GOOD news para sa lahat ng mga talentadong young female artists na nangangarap na mapabilang sa isang all-female group.

Ibinandera ng LCS Entertainment, na pinamumunuan ni Luis “Chavit” Singson kasama ang South Korean based company nito na LCS Group Korea ang bago nitong pasabog na project ngayong 2023.

Ito ay ang plano nilang pagtuklas ng mga bagong Filipino talents para sa susunod na all-female pop group na ilulunsad nang bonggang-bongga sa South Korea.


Matatandaang naunang ni-launch ang all-male pop group search sa isang TV program na tinatawag na “DreamMaker” na ipinalabas sa The Kapamilya Channel at A2Z.

Ito ay isang pagtutulungan ng ABS-CBN group at isang South Korean talent management agency na partner ng LCS Group Korea.

Isang phenomenal success ang nasabing reality show kung saan nabuo ang grupong Hori7on na nagkaroon ng pre-debut single noong March na may titulong “Dash” na sinamahan din ng music video.

Baka Bet Mo: Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: ‘Because friendship is stronger than politics’

Ang single ng Hori7on ay pinanood ng 1.7 milyon viewers sa loob lamang ng 48 hours. Ang grupo ay kasalakuyang nagsasanay ngayon sa South Korea para sa kanilang debut sa buwan na ito.

Sila ay tinuturuan ng mga batikang Korean idols habang iniaangkop ang kultura ng K-pop pagdating sa disiplina sa paghasa ng kanilang mga talento at kakayahan.

Katulad ng maraming talent agencies, naniniwala ang LCS Entertainment Group na ang mga Pilipino ay may kakayahan at may  nag-uumapaw na talento.


Kinakailangan lamang ng matinding suporta para makipagkumpitensya at makilala sa buong mundo. Maaring ang Pinoy-pop ang susunod na global phenomenon.

Magbubukas ang LCS Entertainment Group ng mga audition para sa mga babaeng contestant na may edad 13-22 na may talentong kumanta, sumayaw o mag-rap simula ngayong Nobyembre. Abangan lamang ang mga detalye sa mga susunod na araw.

Ang LCS Group ay nangangako na tuparin ang mga pangarap ng mga kabataang Pilipino para sa mga mapipiling aspiring female talents na magkakaroon ng kanilang debut sa South Korea.

King’s Warrior Charly Suarez nakipagsanib-pwersa sa King of the North para sa boksing

Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

Read more...