Gerald Anderson ibinunyag ang paboritong ‘roles’, mas bet ang mga proyekto na inspiring, nakaka-relate

Gerald Anderson ibinunyag ang paboritong ‘roles’, mas bet ang mga proyekto na inspiring, nakaka-relate

PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

SA tinagal-tagal na sa showbiz industry ng aktor na si Gerald Anderson, curious ba kayo kung ano-ano ang mga paborito niyang karakter na ginampanan?

Ibinunyag ‘yan mismo ng aktor nang makapanayam ng dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno sa kanyang YouTube vlog na “Iskovery Nights.”

Para kay Gerald, ang ilan sa mga tumatak sa kanya ay ang pagganap niya bilang “Budoy” na ipinalabas noong 2011, pati na rin ‘yung naging role niya noong 2008 bilang isang PMA cadet.

“Siguro ‘yung mga roles na may social impact katulad ng ginawa kong ‘Budoy’,”sey niya.

Paliwanag pa niya, “‘Nung ginawa ko ‘yung ‘Budoy,’ mas lumawak ‘yung mga kaalaman ng tao tulad ng sa mga batang may special needs.”

“Nabigyan ko ng exposure ‘yung mga pinagdadaanan [nila], ng mga magulang. Hindi lang mahirap sa batang may syndrome, mahirap din para sa mga nag-aalaga,” dagdag niya.

Chinika din niya na, “Kahit naglalakad ako sa mall, parang ‘yung nanay na may special child, lalapit sa akin tapos magte-thank you…So ‘yun ‘yung mga klase ng roles and ‘yun ‘yung in the future sana ay gagawin ko, ‘yung may social impact. May matututunan.”

Baka Bet Mo: Gerald magpapayaman muna nang bonggang-bongga bago pakasalan si Julia: ‘Sigurista ako, e…praktikal lang’

Patuloy pa ng aktor, “May ginampanan ako na isa akong sundalo. 2009 yata. Dalawa kami ni Jake Cuenca PMAyers kami.”

“Tumaas ‘yung enrollment percentage ng PMA ng 300% because of the show. So kapag minsan dumadalaw ako sa kampo ng militar, may pa-charity kami, lalapit sakin na sumali sila sa PMA dahil napanood nila ‘yung show. Iba ‘yung pakiramdam,” sambit niya.

Umaasa si Gerald na sana raw ay mga ganitong klaseng mga proyekto ang mga susunod na gagawin niya.

Mas bet niya raw kasi ‘yung may magandang impact at makaka-relate ang maraming tao.

“So gusto ko ‘yung mga ganun. ‘Yung makikita ng audiences natin kung ano ang mga pinagdadaanan nila,” sey niya.

Ani pa niya, “As an actor, mas ginagahan akong pumunta sa trabaho kasi alam ko na may makaka-relate o may bago silang matutunan, makikita o magkakaroon ng – kumbaga sa sundalo, magkakaroon sila ng respeto na grabe pala, hindi biro ang maging sundalo.”

“So it’s very fulfilling kapag nakakagawa ako ng ganung klaseng role o show,” saad pa ni Gerald.

Related Chika:

Janelle Tee todo bigay sa pelikulang ‘Pusoy’, first time gumamit ng sex toys

Read more...