Si Shawie ang naging pang-finale sa bagong programa ng TVJ at ng iba pang original at legit Dabarkads sa TV5 na nag-pilot telecast last Saturday, July 1.
Kinanta ni Mega ang kanyang classic song na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” kasama sina Tito, Vic & Joey at ang isa pa sa pinasikat niyang kanta na “Bituing Walang Ningning.”
Pagkatapos nito, hiningan ng TVJ ang iconic singer-actress ng mensahe para sa kanilang programa at sa milyun-milyong manonood na nakatutok sa kanila nu’ng araw na yun.
Inamin ni Sharon ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ng TAPE Incorporated sa TVJ. Hindi raw tama ang naging pagtrato ng producer ng longest-running noontime show sa bansa.
“Karangalan ko pong narito ako dahil bumalik sa ere ang ating show ng TVJ. Pero talagang sumama ang loob ko dahil dapat inalagaan kayo.
“Ayoko yung pinagdaanan niyo, you didn’t deserve that,” ani Shawie.
Reaksyon naman si Joey, baka raw maging ugat na naman ng intriga ang mga sinabi ng Megastar. Natatawang biro ni Sharon, “Hindi naman, kalmang-kalma nga ako.”
Hirit pa ng aktres, “Maraming shows sa noontime, ang may kanya-kanyang nagmamahal pero iba pa rin ang pagmamahal sa mga kasama ng TVJ at Dabarkads. So, huwag nating pababayaan na mawala ang kaligayahan ng taumbayan.”
Super agree naman ang mga fans at social media followers ng TVJ at ng iba pang legit Dabarkads sa mga pahayag ni Mega. Totoo naman daw na hindi tama ang naging pagtrato ng TAPE sa mga icons ng showbiz industry.
Nauna rito, mismong si Sharon din ang nag-announce na magiging special guest siya sa bagong noontime show ng TVJ sa TV5 kasabay ng pagpapasalamat niya sa iconic trio at sa “Eat Bulaga” dahil napakalaki ng naitulong ng mga ito sa kanyang showbiz career.
Post ni Mega sa Instagram, “See you on July 1!!! [heart emojis] Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN.”
“I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup!
“As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family.
“My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988. Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila!” aniya pa.