Mark Reyes planong gumawa ng ‘Encantadia multiverse’, posible nga bang mangyari?

Mark Reyes planong gumawa ng ‘Encantadia multiverse’, posible nga bang mangyari?

PHOTO: Instagram/@direkmark

HINDI lang pala sa Marvel at DC Comics matutunghayan ang “multiverse” dahil mukhang magkakaroon din ng ganyang peg ang iconic teleserye na “Encantadia.”

Sa Instagram, tila nagparinig ang direktor ng nasabing drama fantasy series na si Direk Mark Reyes.

At base sa kanyang Instagram post ay balak niyang pagsamahin ang past and present na mga Sang’gre.

Caption pa nga niya, “Shall we make the ‘Enca Multi-Verse’ happen? Are you game,” sabay tag sa mga aktres na bumida sa nasabing serye.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez nag-audition noon sa ‘Encantadia’ ng GMA; pumasa bilang Amihan, pero…

Maraming artista naman ang sumang-ayon kay Direk Mark at narito ang ilan sa mga komento nila.

Sey ni Yasmien Kurdi, “ehem direk ehem [happy face emoji] masaya yan.”

“Hahahahahahaha masaya toh!” replay naman ng aktor na si Joross Gamboa.

Habang si Iza Calzado ay puro heart emojis ang nilagay sa comment section.

Ang plano ng direktor ay nagsimula nang batiin ng TV host-actress na si Karylle Padilla ang kapwa-aktres na si Gabbi Garcia na nagsilbing guest sa noontime show na “It’s Showtime.”

Si Karylle ay isa sa mga host ng nasabing show, ngunit hindi siya present sa naging opening nito matapos lumipat sa GTV channel ng GMA.

Sa Twitter ay shinare ni Karylle ang post ng nasabing show habang ibinabandera ang litrato ni Gabbi.

Caption pa niya, “Avisala, @gabbi [green heart emoji] ikaw na muna ang bahalang magbukas ng pinto sa GTV [tree, door emojis] ‘Asnamon voya nazar’ #GnaGsaShowtime.”

Matatandaang taong 2005 nang unang ipinalabas ang “Encantadia” at ang mga gumanap bilang apat na Sang’gre ay sina Iza, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon.

Nagkaroon ng remake ang teleserye noong 2016 at pinagbibidahan naman ito nina Kylie Padilla, Gabbi, Sanya Lopez at Glaiza De Castro.

Read more...