UMAASA ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na si Julia Barretto na nga ang babaeng itinadhana para sa kanya.
Diretsahang sinabi ng binata na si Julia na ang “the right one” para sa kanya at napag-uusapan na rin naman daw nila ang tungkol sa kanilang future lalo pa’t more than two years na silang magkarelasyon.
Ngunit mariin naman niyang dinenay na engaged na sila ni Julia at “married” na ang status nila ngayon bilang couple base sa panayam sa kanya ni Manila City Mayor Isko Moreno na napapanood na ngayon sa vlog niyang “Iskovery Night” season 2.
“Lagi akong natatanong nang ganyan,” ang sabi ni Gerald kay Yorme kasunod nga ng pangako niya hindi nila itatago sa publiko sakali mang magpakasal sila ni Julia.
Hirit ni Isko, “So, for now, for the record, you’re not married?”
“No, no, no,” ang tugon naman ni Gerald.
Natanong din ni Isko kung may plano ba siyang magpakasal, “Of course, of course. In the coming years, pero medyo parang… sigurista ako eh, gusto ko parang nandoon na… gusto ko relax, medyo relax tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho.”
Ang ibig sabihin ng Kapamilya hunk actor, nais muna niyang masiguro na super financially stable na siya bago i-level up ang relasyon nila ni Julia, kabilang na ang pagpapakasal.
Baka Bet Mo: Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach
Ipinagdiinan pa niya na hindi siya naniniwala sa palaging sinasabi ng karamihan na, “Basta mahal ninyo ang isa’t isa, puwede nang magpakasal.”
Agree naman si Yorme sa sinabi ng binata at nag-dialogue pa ng, “Hindi ‘yan nakakabayad ng kuryente ha!”
“Exactly! Praktikal lang,” sey ni Gerald.
Samantala, sa ilang taong pagsasama nila ni Julia bilang magdyowa ay wala silang masyadong pinagdaanang isyu at naging magaan naman ang kanilang pagsasama.
“Doon mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang eh (tagal ng pagsasama),” ani Gerald.
Isa pa sa mga qualities ng aktres na nagustuhan ni Gerald ay ang pagiging simple at confident nito.
“Maganda siya pero hindi mo maramdaman na… napakasimple. Napakasimple lang.
“Magaang kasama. Very supportive sa ibang kalokohan ko like, you know, magpapraktis ako ng basketball 4 hours a day… hindi nanunumbat… walang ganu’n eh,” sey ni Gerald.
Related Chika: