Anne Curtis kinantahan si Baby Rosie, sey ni Luis Manzano: ‘First time ko nakita naguluhan anak ko!’

Anne Curtis kinantahan si Baby Rosie, sey ni Luis Manzano: ‘First time ko nakita naguluhan anak ko!’

PHOTO: Instagram/@luckymanzano

ALIW na aliw ang maraming netizens sa bagong social media post ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Ito ‘yung kwelang video na ibinandera ng aktor sa Instagram habang kasama ang kanyang mag-ina na sina Jessy Mendiola at Baby Rosie, pati na rin ang aktres na si Anne Curtis.

Mapapanood sa nasabing video na kinakantahan ni Anne ang anak nina Luis at Jessy ng awiting “Part of the World” mula sa Disney movie na “Little Mermaid,” habang titig na titig naman sa kanya ang tsikiting.

Caption pa ni Luis, “Sa 6 months niya sa mundong to, first time ko nakita naguluhan anak ko [laughing face emoji].”

Baka Bet Mo: Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

Napa-comment naman sa post ang kapwa-celebrity na si Isabelle Daza at pabirong sinabi, “The trauma is real.”

Lahad naman ni Jessy, “Disney princess @annecurtissmith [red heart, laughing emojis]”

Nag-reply diyan si Anne at ayon sa kanya, “Well trained na ako Kay Dahlia, anytime Rosie wants to hear a Disney Princess song, Ninang is a call away!”

Pag-amin at pagpuri naman ni Luis sa TV host, “In fairness talaga gumaling ka.”

Sumang-ayon diyan ang ilang netizens at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Infairness ha nag improve talaga voice ni Anne nice [thumbs up emoji].”

“Ganda ng voice ni anne.. improving talaga [red heart emoji].”

Kaugnay ng kwelang video ay nagkaroon ng reunion ang mga dating MYX VJ na sina Luis, Nikki Gil at Iya Villania.

Makikita rin sa pictures na present din mismo si Anne at ang aktres na si Shaina Magdayao.

Caption ni Luis, “After so many years, kami kami pa rin! [laughing emoji] Love this family [red heart emoji].”

Related Chika:

Julia Barretto hindi inurungan ang pang-aasar ni Matteo sa kanya: Pwede nating i-mention ‘yung…

Read more...