Paolo Contis sa bakbakan ng Eat Bulaga at E.A.T. ng TVJ: ‘Mahirap tapatan yung 44 years, wala namang point na maglaban-laban’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Tito, Vic & Joey
GAGAWIN ni Paolo Contis at ng iba pang hosts ng bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7 para patuloy silang panoorin ng kanilang mga tagasuporta.
Naganap last Saturday, July 1, ang tapatan at bakbakan ng tatlong noontime show sa bansa — ang “Eat Bulaga” sa GMA, “It’s Showtime” sa GTV at ABS-CBN at ang “E.A.T” nina Tito, Vic & Joey sa TV5.
Sey ni Paolo, “Alam n’yo kasi para sa akin, maaaring sabihin n’yo na kaplastikan ito, it’s a celebration, first time in history na tatlo ang noontime shows.
“Wala namang point na maglaban-laban, di ba? Kasi ang tao, manonood naman yan kung ano ang gusto nilang panoorin. At least ngayon, tatlo na yung choices nila.
“Ngayon, trabaho namin na mapilit at ma-convince yung tao na kami yung panoorin. At magagawa lang namin yun na ginagawa namin nang tama yung trabaho namin. It will be very very challenging,” katwiran ni Pao.
Wala rin daw isyu sa kanila kung mas panoorin pa rin ng publiko ang show ng TVJ sa Kapatid Network, “Kasi ano yun, e. Kaya nga tayo may free will, e. Curiousity, o kung puwede natin sabihing nakasanayan.
“Mahirap tapatan yung 44 years na nakasanayan. Kami bukas, para sa amin celebration. First month namin bukas. Monthsary namin bukas.
“Kami, pinagtatawanan kami kasi nung nakaisang linggo, di ba? Nag-speech ako nu’ng isang linggo. Sabi, ‘Itong mga ‘to, isang linggo pa lang kayo.’ Para sa amin big deal yun.
“Sa pinagdaanan naming pressure, sa pinagdaanan naming bashing, nakaisang linggo na kami, kami magkakapit, malaking bagay yun,” sabi pa ni Paolo.
Patuloy pa niya, “Hindi namin iniisip na first day na ng Showtime sa GTV, ng TVJ, ang iniisip namin, nakaisang buwan kami, di ba? Proud kami du’n,” dugtong ni Paolo.
Super thankful naman sina Paolo, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pang hosts ng “Eat Bulaga” sa TAPE Incorporated ng pamilya Jalosjos. Sey ni Pao, “Sa tingin ko, malaking bagay na yung staff, saka si Kuya Jon, saka si Bullet is treating it as a celebration of the first month.
“Kapag yung support group mo ay matindi, may konting pressure siyempre, hindi naman mawawala yun. Every day naman meron. Pero malaking bagay na alam mo lahat nakasuporta sa ‘yo,” chika pa ni Paolo.
Nitong nagdaang Sabado, sabay ngang umere ang “Eat Bulaga” at ang bagong show ng TVJ sa TV5, ang “E.A.T.” o “Eto Ang Totoo” at sa isang bahagi nga ng “Eat Bulaga”, at nag-congratulate sina Isko at Paolo sa katapat na programa.
“Mga Kapuso, espesyal tong Sabadong to para sa Eat Bulaga! dahil masasabi natin, eto ang bagong era ng noontime television habit ninyo. Alam naman natin, alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. Gaya ninyo, excited din po kami.
“Para sa karamihan, isa itong malaking kumpetisyon. Pero para sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon,” mensahe ni Pao.