NAUSISA ng isang netizen ang dating aktres na si Ellen Adarna kung binibigyan ba siya ng pera ni Derek Ramsay ngayong mag-asawa na sila.
Sa kanyang Instagram story ay sinagot niya ang katanungan nito at sinabing hindi siya humihingi sa aktor kahit pa kasal na sila dahil may sarili siyang pera.
Ani Ellen, siguro raw ay hihingi siya sa asawakung sakaling walang perang pumapasok sa kanya.
“Maybe if I don’t have a job and there’s no money coming in, maybe I will ask money from him. But that’s a desperate situation already.
“Masakit sa loob ko, ‘day, mabigat to ask something from someone,” saad ni Ellen.
Amin pa niya, hindi rin siya sanay sa ganoon dahil hindi naman siya pinalaki ng mga magulang sa ganoong paraan.
Baka Bet Mo: Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin
“I wasn’t raised like that. And knowing myself, I will never allow that to happen to me. I’ll find ways,” sey pa ng ina ni Elias.
Chika pa ni Ellen, kahit na ikinasal na sila ni Derek ay parehas pa rin ang sitwasyon nila sa pera gaya noong nagde-date pa lamang sila.
“So the situation is the same when we first started dating. He has his own, I have my own,” sey niya.
Samu’t sari naman ang naging komento ng mga netizens ukol sa sinabi ni Ellen.
“Once married i think the husband must give money as a sign of respect to his wife teach him tobe responsible,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa pa, “Plus 1, Ellen. I have my own, he has his own.”
“Basta ako ang pera ko pera ko, pera ng asawa ko pera ko din… ahahahaha,” hirit naman ng isa.
Matatandaang ikinasal sina Derek at Ellen noong November 11, 2021 sa isang private resort sa Bataan.
Related Chika:
Basher na nambasag kay Derek sunog kay Ellen: You know him personally? Close ba kayo???
‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA