Gerald Anderson aminadong ‘magaan’ karelasyon si Julia Barretto: Hindi mo maramdamang na komplikasyon siya!

Gerald Anderson aminadong 'magaan' karelasyon si Julia Barretto: Hindi mo maramdamang na komplikasyon siya!

IBINANDERA ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung gaano siya ka-secure sa kanilang relasyon ni Julia Barretto.

Sa kanyang panayam kay dating Manila Mayor Isko Moreno na mapapanood sa YouTube channel nitong “Iskovery Nights” ay natanong siya ukol sa kung anong mga sini-search ng netizens ukol sa kanya sa Google.

Isa rin sa kanilang mga napag-usapan ay ang kasalukuyang relasyon ni Gerald sa kapwa artistang si Julia Barretto.

“‘Yung 3 years na ‘yun. Saya at magaan! Iwan na natin dun… Sobrang secure siya sa pagkatao niya, maganda siya pero hindi mo maramdaman… napakasimple, magaan kasama,” pagbabahagi ng aktor.

Chika pa ni Gerald, sobrang supportive raw ng aktres sa kanya kung ano man ang trip nito sa buhay.

“Very supportive sa ibang kalokohan ko… Like you know, magpa-practice ako ng basketball, four hours a day. Mag-ano muna ako ng negosyo ilang oras sa isang araw. Nung pandemic ang dami kong trabaho ring tinanggap pero supportive.

Baka Bet Mo: Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

“Hindi nanunumbat. Walang ganun eh… Hindi mo maramdaman na parang obligasyon siya,” pagpapatuloy pa ng aktor.

Nausisa pa nga ni Isko kung engaged na nga ba ang dalawa o kung nag-propose na si Gerald kay Julia.

“Hindi ko ma-explain e. Parang minsan alam mo lang… Alam mo lang na [yun na yun]. Nagkaroon rin tayo ng [past] relationships. Lahat naman tayo di ba? Hindi sa never compare but parang it’s just that alam mo lang. It’s an unexplainable feeling,” sey niya.

Hindi man direktahang sinagot ni Gerald ang tanong ni Isko ay tila ipinapahiwatig na nitong si Julia na ang kanyang endgame.

Bagamat nasa plano na nito ang pagpapakasal ay gusto muna nitong maging financially stable bago tuluyang magpakasal.

Nais rin daw muna ni Gerald na gumawa ng mga legacy projects na maaari niyang ipagyabang sa mga anak sakaling naisin na noyang magbabu sa mundo ng showbiz.

Related Chika:
Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?

Read more...