Valentine Rosales binawi ang ‘sorry’ kay Awra Briguela: Sabi ko na nga ba tama ako eh!

Valentine Rosales binawi ang ‘sorry’ kay Awra Briguela: Sabi ko na nga ba tama ako eh!

Valentine Rosales, Awra Briguela

MAY patutsada ang social media personality na si Valentine Rosales matapos mag-viral ang CCTV footage ng mga naging kaganapan sa iskandalong kinasasangkutan ng Kapamilya youngstar na si Awra Briguela.

Tila binabawi ni Valentine ang paghingi niya ng tawad sa aktres dahil ayon sa kanya ay tama ang naging opinyon niya ‘nung una.

Kung maaalala, nagpahayag siya ng komento sa nangyari kay Awra at sinabihan ito na, “masyadong kasing matapang at nagmamalinis sa somed pero makalat sa totoong buhay.”

Dahil diyan ay kinuyog si Valentine ng madlang pipol at hindi naman nagtagal ay nag-sorry siya sa kanyang sinabi.

Sabi pa nga niya, “First of all, I want to apologize to Awra. I’m really sorry, masyado akong nagsalita nang hindi ko pa alam ‘yung buong story. Dinelete ko ‘yung comment ko and hindi na ako sasawsaw, magbabagong buhay na ako.”

Baka Bet Mo: CCTV footage ng mga nakakalokang eksena ni Awra at ng lalaking nagreklamo sa kanya sa bar kalat na sa socmed

Pero mukhang napanood niya ang CCTV footage na ibinandera ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza at diyan niya napagtanto na dapat daw ay hindi siya humingi ng tawad.

Sey niya sa Twitter, “Sabi ko na nga ba tama ako eh! Dapat pala ‘di na ako nag-sorry minsan na nga lang tumama binawi pa, mali mali talaga desisyon sa buhay [crying, laughing face emojis].”

Banat pa niya, “Ilabas ang eksenang may hinipuan at pinagtatanggol! Imbento kayo!”

“Alam ko na ‘yan style na ‘yan ganyan din ginawa ko sa 7/11 wala kayo maloloko parepareho tayong bakla may nagmamalinis lang at may tulad ko na tanggap ang ugali kong masama at problematic atleast totoo di plastic!,” Dagdag pa niya.

July 1 ng gabi nang pansamantalang nakalaya si Awra matapos makapagpiyansa sa halagang P6,000.

Matatandaang hinuli si Awra noong June 29 ng madaling araw dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City kung saan sinabing ipinatanggol lamang nito ang mga kaibigang babae dahil hinipuan umano ng isang lalaki.

Pero base sa inireport na CCTV footage ng nasabing bar ay nakita kung ano talaga ang naganap sa pagitan ni Awra at ng lalaking nagngangalang Mark Christian Ravena.

Mapapanood na pilit na pinahuhubad ni Awra ang suot na pantalon ni Mark bagay na pinigilan naman ng bouncer ng bar.

Related Chika: 

Read more...