Netizens gigil na gigil sa pagkaka-aresto kay Awra Briguela, #JusticeForAwra trending sa Twitter

Netizens gigil na gigil sa pagkaka-aresto kay Awra Briguela, #JusticeForAwra trending sa Twitter

Awra Briguela

MARAMING netizens ang nadismaya sa pagkaka-aresto ng Kapamilya youngstar at social media personality na si Awra Briguela.

Kagabi lamang, June 29, ay nag-viral ang ilang videos ni Awra na kung saan ay nasangkot siya sa rambulan at dyombagan sa harap ng The Bolthole Bar sa Poblacion, Makati.

Ayon sa sa mga nakakita, nag-ugat ito matapos bastusin ang kanyang mga babaeng kaibigan sa nabanggit na bar.

Sa ngayon ay nakakulong ang socmed star at nahaharap sa kasong Physical Injuries.

Dahil sa nangyari, trending ngayon sa Twitter ang #JusticeForAwra na kung saan ay nagpahayag ng suporta ang maraming netizens para kay Awra.

Baka Bet Mo: Riva Quenery dumalaw kay Awra, inilahad ang pinagdaanan ng kaibigan: Gusto n’yo bang gawing trophy si Awra?

Karamihan sa kanila, nanggigil sa mga awtoridad na umaresto sa Kapamilya youngstar.

Narito ang pahayag ng mga nabasa naming tweets:

“It’s heartbreaking to witness those in power tolerate this culture of harassment and abuse.. I cannot believe standing up for people who get mistreated is equal to being arrested.. And I hope people will stop spreading Awra’s mugshots as if siya ‘yung harasser.. #JusticeForAwra

“Matagal nang may history ng homophobia/transphobia ang Makati PNP. They used to profile transwomen out of spite. Not surprised.”

“Another disappointment from the PH justice system. Cops handcuffing Awra for protecting her girl friends from a harasser [SKULL EMOJIS] #JusticeForAwra

Ang iba naman, pinag-initan ang harassers na nambastos sa mga kaibigan ni Awra.

Heto ang ilan sa mga posts nila:

“I hope people can now stop spreading fake news! These harassers are animals and they deserve to be punished at full extent! I hope Awra and her friends get the justice they deserve. #JusticeForAwra

“Of course, it’s the mugshot of Awra smeared all over social media and not those men who harassed 2 women. NAME THOSE HARASSERS!”

Related Chika:

Awra Briguela nagbanta, gigil sa manipulative at cheater: WAG AKO

Read more...