Skusta Clee hindi papatalo kay Zeinab, ibinandera ang mystery girl: Ikaw na ngayon

USAP-USAPAN ngayon kung sino nga ba ang babaeng kasama ni Skusta Clee sa kanyang latest post.

Mukhang hindi rin magpapatalo ang Ex-Battalion member sa ganap sa kanyang dating karelasyon na si Zeinab Harake at may pa-soft launch rin ito ng kanyang mystery girl.

“Ikaw na nga yon,” saad ni Skusta kalakip ang larawan niya habang kinakamayan ang isang babae na nakatalikod.

Naglabas ng larawan ang singer-rapper makalipas ang ilang araw na pagkumpirma ni Zeinab sa kanilang relasyon ni Bobby Ray Parks.

Matatandaang matapos ang kanilang paghihiwalay noong March 2022 ay ilang babae na rin ang naugnay kay Skusta Clee.

Ito ay sina Ava Mendez at Aira Lipata ngunit makalipas rin ang ilang buwan ay tila nagtapos na rin ang koneksyon ng mga dalaga sa miyembro ng Ex-Battalion.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens hinggil sa bagong babaeng nagpapatibok diumano ng puso ng rapper.

“Yes, panibagong music vid nanaman let’s go Skusta Clee НАНАНАНА,” comment ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Sus para di affected sa poging mabangong jowa ni zeinab gagawa na naman ng Kwento ang unggoy na to na may bagong babae sya. wag kami.”

“The design is very Jason Marvin. Pa issue tapos mag rerelease lang pala ng kanta. Tama ka na, Skusta,” hirit naman ng isang netizen.

At mukha ngang may bagong kanta ang Ex-Battalion member at ang naturang larawan ay kuha lamang sa behind the scene o screen shot mula sa kanyang bagong music video.

Related Chika:
Skusta Clee nag-walk out daw sa music festival, organizer dumepensa: Wala pong nangyaring ganu’n

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Read more...